"Desidido kana bang iwan kami Daneen? Totoo naba ito, iiwan mo na talaga kami anak?" bungad sa kanya ni Mrs. Rivera kinaumagahan. Siya ang may-ari ng Resort kung saan siya nagtatrabaho. Sa resort na ito kung saan siya napadpad noon—sa resort na ito na naging tahanan niya ng ilang taon. "Patawarin ninyo ako Tita. Mahirap din po ito para sa akin pero kailangan ko po itong gawin. Maraming salamat po sa lahat ng kabutihang ipinagkaloob niyo sa akin, hindi ko po kayo makakalimutan Tita." maluha-luha ang Ginang na lumapit sa kanya. "Hindi kita mapipilit na manatili dito sa amin anak, alam kong may sarili kang buhay na dapat mong balikan. Kahit masakit, kahit mahirap kailangan kitang pakawalan Daneen. Mag-iingat ka anak ah, sana hindi ka makalimot." unti-unti ay nangilid ang kanyang mga luha.

