Nakatulala at pakiramdam niya nanigas ang buo niyang katawan ng mga sandaling iyon dahil sa kanyang nalaman. Ang lalakeng masayang nakasama niya buong gabi—ang lalakeng pinag-alayan niya ng kanyang lahat-lahat ngayon ay wala na at piniling iwanan siya. "Ate naririnig mo ba ako?" Untag sa kanya ni Antheia ngunit tila wala siyang naririnig. "Ate Daneen," muli ay pukaw niya sa kanyang atensyon. Dahan-dahan siyang bumaling kay Antheia—kasabay ng pagpatak ng kanyang mga luha. "Ate, ano'ng nangyari?" Umiling-iling lamang siya, habang takip ang kanyang bibig dahil nahihirapan siyang tanggapin ang kanyang pagkabigo. "He just left without saying goodbye! Ano'ng tingin niya sa atin, ano'ng klase siyang tao?!" Galit na bulyaw ni Kent na siyang ikinagulat nilang lahat. "Kent anak, huminahon k

