DANEEN's POV: I still remember what happened that day. When I chose to leave everything behind—when I chose to leave and hurt the only man who had loved me purely. Noong gabing iyon, nagpupumilit si Achilles na huwag ng umalis sa aking tabi. Babantayan na lamang daw niya ako hanggang sa mag-umaga, hanggang sa nakatakdang oras ng aming pag-iisang dibdib. Hindi ako pumayag, hindi maaari dahil masisira ang plano kong pag-alis. "Sorry kung pakiramdam mo nasasakal na kita—sorry kung nagiging agresibo ako lately. Natatakot lang akong iwanan mo ako at mas pipiliin mong sumama sa Akihiro na iyon. Alam kong wala akong laban sa kanya, nasa akin ka nga pero ang puso mo hawak niya." napatulala ako dahil sa kanyang tinuran. Pumikit ako ng mariin at huminga ako ng malalim. "My gosh!" nakonsensya ak

