DANEEN's POV :
I am Daneen Villafuerte, the only daughter of Mayor Brandon Villafuerte.
Since childhood, I've never seen my Mother. According to Daddy, Mommy died while giving birth. There was a complications due to her heart disease.
Hindi ko naramdaman na ako ay nag-iisa, lubos ang atensyon at pagmamahal ang ibinibigay sa akin ni Daddy.
Until one day, Tita Gabriella came into our lives. Ayon kay Daddy, baby pa lang ako noong makilala niya si Mommy Gab.
Si Daddy ang tumulong sa kanya noong mga panahong inuumpisihan ni Mommy Gab na i- developed ang buong Isla.
Partner's din sila ni Daddy, kaya naman ganoon na lang ako kalapit sa kanya.
Habang lumalaki ako, siya ang tumayong Mommy ko. May nag-iisang anak si Mommy Gab. It was Achilles, katulad ni Daddy single parent din ito.
Mommy Gabriella is the owner of Achilles Paradise. She named the Island after her son Achilles.
Madalas kong makasama si Mommy Gab, lalo na kapag nagpupunta kami ng Paraiso. Naging maagan ang loob ko sa kanya, she was so kind. At sa kanya ko naramdaman ang pagmamahal ng isang Ina.
Aaminin ko, hinangad kong magkaroon ng Mommy figure. All I thought si Mommy Gab na iyon, sobrang saya ko noong malaman kong nililigawan ni Daddy si Mommy Gab.
Pero laking panghihinayang ko, iniyakan ko ng lubos ang sinabi sa akin noon ni Daddy.
"I want her Daddy, I want Mommy Gabby to be my Mom." I am crying and I don't even want to eat. I can't accept the fact that Mommy Gabby rejected Daddy.
"I'm so sorry princess, hindi ko pwedeng ipilit ang sarili ko kay Gabby. She loves someone else anak, kaibigan lang ang turing sa akin ng Mommy Gabby mo," turan sa akin ni Daddy.
Ang sakit, sobrang nasaktan ako noong mga panahon na iyon.
Wala akong ibang hiniling kundi ang maging Ina si Mommy Gabby.
****
"Daneen, here's your food." pumasok si Yaya na may dalang tray ng pagkain.
Dahil sa sama ng loob ko, natabig ko ang tray ng pagkain dahilan para tumapon iyon lahat sa sahig.
Pati ang baso ng gatas ko, ay nagkanda- pira-piraso dahil sa aking ginawa.
Nagkukulong ako, ni ayaw kong lumabas ng kwarto ko. Ni ayaw ko nari'ng pumasok ng eskwelahan.
"I don't want to eat, hindi ako kakain hangga't hindi si Mommy Gab ang magpapakain sa akin. Just leave Yaya," umiiyak ako habang tinatawag ang pangalan ni Mommy Gab.
"Mommy, huhuhuh.. Mommy Gabbyyy." then suddenly the door opened.
"Can I come in?" nakangiting mukha ni Mommy Gab ang bumungad sa akin. I rubbed my eyes, baka panaginip lamang ito.
"Mommy Gabby?" she's smiling while approaching me with her wide open arms.
Kaagad akong bumaba ng kama at kaagad sumalubong sa kanya.
"You're here Mommy Gab?" humihikbi kong sabi habang yakap niya ako ng mahigpit.
"I came here immediately when I heard that you didn't want to leave your room. You didn't even want to eat anak, why?" masuyong sambit sa akin ni Mommy Gab, habang haplos nito ang mahaba kong buhok.
Napangiti ako, sobrang saya ko na makita siyang muli.
"Mommy Gabby, iiwan mo naba kami ni Daddy? Ayaw mo naba sa akin, dahil may Tito Kurt kana?" umiiyak kong tanong dito.
"No anak, I won't leave you. May mga bagay lang talaga na hindi pwedeng ipagpilitan. Someday Daneen, you'll gonna understand everything." muli ay sambit nito sa akin.
Napakabuti niyang tao, kahit sinong bata gugustuhing maging Ina ang isang katulad ni Mommy Gabriella.
"You don't love Daddy, does that mean you don't love me either?" sabay punas nito sa aking pisngi gamit ang kanyang mga palad.
"It is not because I rejected your Daddy, I don't love you anymore. I love your Daddy but only as a friend. And my love for you, that will never change anak. I'm still your Mommy no matter what happens." mga katagang dumurog sa aking pagkatao. Bata pa lang ako, pero naiintindihan ko na ang lahat.
It makes me wonder, why is life so unfair? I just want to experience having a mother, a mother that I have never had.
Mahirap bang intindihin iyon? Bakit ba pinagkaitan ako ng tadhana na magkaroon ng Ina?
Pero ganoon talaga ang buhay, hindi maaaring ipagpilitan ang hindi pwede.
****
SIMULA pagkabata, palagi akong pinapaiyak ni Achilles. I was five years old way back then when Achilles kissed me for the first time.
I can still remember everything—
"You are so bad Achilles. Isusumbong kita kay Mommy Gabby, huhuhuh.." umiiyak ako isang araw no'ng nagpunta kami ng Achilles Paradise kasama ni Tita Alexa.
"Mommy Gab," tawag ko sa kanya habang humihikbi ako palapit sa kanila. Nagkakasiyahan sila habang nag-uusap kasama nina Tita Alexa at Tita Stella. Namumula na ang pisngi ko, at pati ang mga mata ko dahil sa kaiiyak.
Alam kong pansin kaagad iyon ni Mommy Gabby.
"Why anak, bakit umiiyak ang Daneen ko?" masuyo niyang tanong habang haplos nito ang aking mukha.
"Mommy si Achilles po, he's so bad," napakunot ang noo ni Mommy Gabby dahil sa aking tinuran.
"And what Achilles's did to you, hmm?" tanong nito sa akin. Sobrang pilyo ng anak nito, mabait si Achilles but I hated him that much. Mayabang na nga, akala mo kung sino'ng gwapo.
"Mommy Gab, Achilles kissed me." nanlaki ang mga mata nito dahil sa aking tinuran. Sina Tita Stella, at Tita Alexa ay todo ang ngiti nila sa amin.
"What?" napakamot ng ulo si Tita Gab,
"Achilles come here!" galit na tawag nito kay Achilles .
Achilles had walked towards us as if nothing had happened. He walked complacently, ngingiti-ngiti ito na lalong ikinais ko.
Because of annoyance I rolled my eyes on him, he even winked at me and blew a kiss.
"I love you my Daneen," as he whispered through my ears. I didn't say anything, I just glared at him.
"What did you do to Daneen? Inulit mo na naman ba baby?" Achilles just smiled mischievously.
"Mama, nothing wrong with that. I just kissed her on her cheek." he was so proud saying those words.
"Mga bata lang 'yan, hayaan mo na." I heard Tita Stella said.
"No baby, it's really bad. You know why? You're still young for that— hindi pa pwede anak." napangiwi si Achilles sabay napakamot ito ng kanyang ulo.
"But Daddy used to kissed you, bakit po sa akin hindi pwede?" panggigiit pa niyang sabi, sabay nagtawanan sina Tita Alexa at Tita Stella.
"Iyon naman pala eh, nakita kayong nagki-kiss ni Kurt. Daddy and Mommy are bad influenced baby, " sabay tawa ni Tita Stella.
"Achilles, say sorry to Daneen! Ilang beses mo na itong ginawa? Mga bata pa kayo, hindi pa pwede 'yang mga iniisip mo anak," sa pagkakatanda ko ito na ang pangatlong beses na ninakawan ako ng halik ni Achilles. Una sa school, pangalawa at pangatlo dito sa Paraiso.
"I won't say sorry Mama, Daneen is now my girl. Soon Mama, Daneen and I we're getting married." walang preno ang bibig na sagot nito kay Tita Gab,
"Diyos Mio," tanging nasambit ni Mommy Gab, hinila niya sa braso si Achilles saka tinakpan ang bibig nito.
****
As day's passed by, habang lumalaki kami lalong naging pursigido si Achilles sa pagpapayahag nito ng kanyang nararamdaman para sa akin.
Hindi siya nahihiyang ipakita sa lahat kung gaano niya ako kagusto.
He always used to kissed me even in public , kung umasta ito ay tila pag-aari na niya ako.
An arrogant man a possessive one, that is how I used to think of Achilles.
Hindi ko alam kung kanino nagmana ng kayabangan ang taong iyon, dahil sa pagkakaalam ko mababait sina Tita Khiara at Tito Kent na tunay niyang mga magulang.
Yes— Achilles is not a biological son of Mommy Gabby and Tito Kurt. He is just an adopted one.
Napaka- swerte niya na magkaroon ng dalawang Ina, na nagmamahal sa kanya. Na ni minsan ay hindi ko naranasan— na ni minsan ay hindi ako nagkaroon.