MMD 5

1304 Words
Maru "Are you sure tha–" "Mommy. " putol ko sa sasabihin ni mommy, pang ilan beses na ba niya yang sinabi saakin. "Okay lang po talaga ako dito, mag ready ka na po dahil mag stastart na yung operation mo. " Sabi ko dito kaya napa buntong hininga siya, naandito kasi ako sa hospital ni mommy. Weekends naman kaya sumama na ko, na bobored na din ako sa bahay. "Okay, tatawagan ko na lang mama Pam mo. " sabi nito sabay lakad sa table niya. "No mommy! I'm okay here, dito lang ako at saka i'm a big girl na kaya saka nakakahiya po kay mama Pam baka she's busy. " ngumiti siya saka tumango. "Okay okay fine. Babalik ako kaagad. " Yes. "Bye mommy, galingan mo! " sigaw ko ng maisarado na niya yung pinto. Agad ko itong linock at kinuha yung diary ni mama sa dala dala kong bag. Alam ko din kasi na mabobored ako kaya dinala ko na. Binuklat ko na ito habang dumapa ako dito sa coach ni mama, malaki kasi yung office ni mommy dito sa hospital niya. Syempre, siya din kasi ang may ari. "Mom, i told you. Dapat hindi na lang ako sumama. " nababagot na sabi ko habang nasa kusina kami ng ka business partner nina Dad. Hindi ko alam kung anong ginagawa ko dito basta hinila na lang nila ako. "I'm sorry anak pero kasi you need to be here, ikaw lang yung nag iisang anak namin and may anak din sila na kasing tanda mo kaya i think mag kakasundo kayo. " paliwanag ni Mom kaya napa roll eyes na lang ako at tinatamad na bumalik sa living room. "Oh my daughter is here, Alfredo. " inakbayan ako ni Dad at pinakilala sa kaibigan niya s***h ka business partner din. Nahuli ng mata ko yung nasa tabi nung lalake, isang seksing babaeng naka dress at naka talikod saamin. "She's beautiful Sage, pareho sila ng anak ko. " natatawang sabi ni tito Alfredo na ikinatawa din ni Dad. "Rae, say hi to our visitors. " pagkasabi nun ni tito ay agad na humarap saamin yung babae. Hindi nga ako nag kakamali. Seksi siya at maganda. Ngayon ko lang napansin na pinipigilan ko pala yung pag hinga ko habang naka titig sakanya. "Hello, call me Astrid. " magalang na sabi nito saka nakipag shake hands kina Mom at Dad. Nung tumapat siya saakin ay ngumisi siya at nakipag shake hands din. Gosh. Is that electricity? Biglang nanghina yung buo kong katawan at mas lalo na nung pinisil niya ito. "You and Astrid have the same course, mag dodoctor ka ba hija? " tanong saakin ni tito, agad ko naman binitawan yung kamay ni Astrid at ngumiti sa ama niya. "Yes po. " mas lumapad naman yung ngiti niya at tumingin sa anak. "Ipakita mo sakanya yung project mo. " "Maybe some other time papa, i want to take her in our garden. " sabi ni Astrid at tumango ang kanyang papa, hinila niya ko papalabas at nagpunta sa kung saan. Nasabi ko na ba sayo na ang lambot ng kamay niya, para bang meron siyang tinatransfer saakin na kung ano. Something new to me, she's something. She's different, she's unique! "Are you interested in flowers? " tanong niya saakin habang kumuha nung pag spray at inispreyan yung mga rose. "No, why? " totoo naman, i see them as flowers. Only flowers. "Because i am, behind those beautiful looks there's a beautiful meaning too. Like... This. " binigay niya saakin yung Tinitigan ko ito at sinuri, fresh na fresh pa yung flower. Halatang alaga na alaga. "Anong meaning nito? " bigla kong naitanong. Ngumiti siya saakin at kumindat. "Secret, hulaan mo. " Napa simangot naman ako at tinitigan ito, kala ata nito nag bibiro ako. Tumatawa lang siya habang nag lalakad at pinag mamasdan yung ibang bulaklak habang ako ay naka sunod lang at pilit tinatanong yung meaning nung bulaklak. "Isa, Astrid. " banta ko dito pero tawa lang ang sinagot niya. Napa titig ako sakanya habang sinusuri niya yung sunflower. She's beautiful, sa oras na to. Siya lang yung nakikita ko, sakanya lang naka focus yung atensyon ko at mata. "I gotta go, paki sabi na lang kay papa may pinuntahan ako na importante. " sabi nito habang naka tingin sa phone niya at palakad na ng hinawakan ko yung braso niya. No. This is crazy pero I want her to stay, I want her presence behind me. "What? I really need to go Maureen, ipag paalam mo na lang ako. " sabi nito saka inalis yung kamay ko sa braso niya. "No, bakit hindi ikaw ang mag paalam? " masungit na tanong ko dito. "Kase alam kong hindi niya ko papayagan. " "Edi bawal ka umalis. " hinawakan ko ulit yung braso niya at hinila siya sa loob pero huminto siya kaya napa subsob ako sakanya. Home, yeah. I'm freaking comfortable with her!! "Lalayo ka o lalayo ka? " tanong nito saakin na may kasamang inis. Tumitig ako dito at tinaasan siya ng kilay. "O. " sagot ko. Pilit niyang linalayo sarili niya saakin pero naka kapit pa din ako. "Mau! " saway nito saakin. Napa tigil ako dahil siya pa lang ang nag bibigay saakin ng nickname, yeah. They all call me 'Maureen. ' "No! " sigaw ko pero hinalkan niya ko. Hindi! Hindi! Hindi! Hindi to halik! Kinagat niya yung lower lip ko hanggang sa mag dugo ito saka tumakbo siya papalayo saakin. "T-ta-tatakas po si Astrid! " sigaw ko sa mga bodyguards na naandun kaya pati sina tito ay napatayo na din. Humarurot yung kotse ni Astrid at lumabas na kaagad habang wala pang pumipigil sakanya. "Hade, sundan niyo si Raeka! " utos ni tito Alfredo sa lalakeng malaki yung katawan. "Nasaan si Raeka? " tanong nung lalakeng sumulpot, tumingin ako dito at halos naka nganga na ko ngayon. Tumingin tingin siya saamin at sa grahe nila. "Damn, nauna na siya. " tumakbo si Austin sa isa sa mga kotse at pinaharurot din ito. "Austin! Wag ka na sumunod! " sigaw ni tito pero huli na siya, wala na siyang magawa kung hindi pasunudin yung lahat ng guard nila at napa hilot na lang ng ulo si tito. "Hindi ko na alam ang gagawin sa magkapatid na iyon, ang titigas ng ulo! " Magkapatid nga pala si Astrid pati na din si Austin na captain ng basketball team sa school, Silvestre nga pala sila. "Hayaan mo na, mabuti nga e magkasundo yung dalwa mong anak. " saad ni dad habang papasok kami ulit. Buti na lang may panyo ako at tinatakpan yung nagdudugong labi ko gawa ni Astrid. Damn, her lips. "Daig pa nila ang mag kambal sa sobrang close nila kaso napapa hamak sila parehas. " iiling iling na sabi ni tito Alfredo at kumain na kami. Nasaan na kaya ngayon si Astrid? Bakit parang rush na rush siya. Naibalik ko na yung diary ni mommy sa bag ko saka ito linock, yes may padlock siya dahil baka buksan ni mommy edi huli ako. Nag tataka nga siya kanina e. "Open up! It's your daddy Jude! " sigaw nung nasa door kaya agad ko itong binuksan at yinakap si daddy Jude. "Ang gwapo talaga ni daddy Jude ko! " sabi ko habang sinuot yung white lab coat niya, may naka burda sa gilid niya na logo ng hospital at naka lagay na 'OB GYN' bigla ko tuloy naalala yung reason niya kung bakit gusto niya maging OB GYN kaya napangiwi tuloy ako ng wala sa oras. I traced the name saka ngumiti. 'Jude Mendoza, MD' I think it was nice to have an MD in my name. "Doktora Attorney. " sabi nito saakin at kumindat. Yeah right, I want to be like mommy and mama Pam. ––
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD