Maru
"Vance, una ka na. Nag iintay na yung mommy mo sa labas. " sabi ko dito habang nag aayos ako ng mga gamit ko.
"Sure ka? Pwede kitang intayin. " tumango ako saka ngumiti.
"Okay lang ako, sige na. " tumango din siya at nag paalam bago lumabas. Maya maya din ay tapos na ko at sinuot yung back pack ko.
"Hi Maru the orphan! " bati saakin nina Laila at nung dalwang bubwit niya na sina Elizabeth at Bernadette.
"Hello. " bati ko, baka sabihing snob ako at mas lalo pang lumala yung scene.
"Hey orphan, you want chips!? "
"No thanks got to go, by the way my name is Maru not Orphan. " sigaw ko habang paalis na, i don't want to waste my time for them. They're such a bullies. Nakaka lungkot pang dahil buong year ko sila makakasama, buong year ko din sila pag titiisan kahit na hindi ko sila kaklase. Mag palipat na lang kaya ako ng school kay mommy.
Minsan nakakasawa din yunh routine ko, routine ng mga students. Gigising ng maaga, papasok para makinig sa teacher, mag rerecess, lunch at uuwi. Wala bang bago, malayo layo pa yung finish line ko.
"Thank you nanay Rose. "
"Wala yun hija, enjoy ka lang diyan. " sabi nito saka umalis na sa kwarto ko. Yeah, mag eenjoy ako kasama nung mga books and notebooks ko. Wala naman akong assignment or ano. Ayoko rin naman mag advance reading, e tuturo rin naman yun ng teacher namin.
Kumakain ako ng ensaymada ng maalala ko yung diary ni mommy. Binitawan ko yung tinidor na may ensaymada saka dumapa sa sahig para makita yung tinago kong notebook.
"Ayun, ahh. " I'm trying to reach that freaking notebook. "Gotchaa! " tumayo na ko sa pinagpagan yung damit ko pati na din yung notebook bago umupo ulit, buti na lang hindi nag linis si nanay kung hindi makikita niya to.
Tinuloy ko yung pagkain ko saka binuklat yung notebook. Tinignan ko ulit yung mga pictures isa isa, ang sasaya nila momny dito. Sana paglaki ko madami din akong kaibigan katulad ni mommy, madami at totoo. Binuklat ko ulit at pinag patuloy basahin yung pinaka una, maikli lang ito.
"Dear Diary, i'm too old for this. Nahihiya ako sa sarili ko but hey, this is cool! Diary! Right!? " basa ko ulit dun sa unang sulat kaya napa ngiwi ulit ako. "I'm doing this because of... " okay skip that.
"The one and only. I gotta go Diary, my mom called me for dinner! Bye. " too short. Ang ganda pa pala ng penmanship noon ni mommy, mas naiintindihan ko pa. Nag next page ako at mas mahaba ito.
This is it. My first day being a college student. "Maureen! " tawag saakin ng mga kaibigan ko habang papalapit sila saakin at nakaway. Kumaway din ako sakanila at ngumiti. Kung yung iba nag hiwa hiwalay pagkatapos ng highschool graduation, kami hindi. Nag sama sama pa din kami sa iisang school kahit mag kakaiba ng course.
"Buti hindi ka late. " natatawang sabi saakin ni Pam at hinawakan yung kamay ko. Pamela Rogers, accountancy ang course at yuon ang pre-law niya. Best friend ko siya kaya walang malisya yung pagiging clingy niya.
"Duh, first day malalate ako? "
"Duh, ikaw pa ba. Muntikan ka na nga ma expelled dahil late ka lagi. " singit ni Draco kaya nag tawanan ang lahat, last year pa yun. Hindi pa ba sila nakaka move on. Draco Reyes, computer engineering ang course.
"Ewanko sayo, tara cafeteria. Nagugutom ako. " hila ko kay Pam kaya nag sunudan sila. Kami lang ni Pam yung babae sa mag totropa kaya kami din lagi magka dikit.
"Tara, hindi din ako nag lunch. " nauna na si Vernon para pumila kaagad at siya na ang mag order saamin. Vernon Garcia, ang soon to be pilot ng tropa namin. Maya maya din ay bumalik na si Vernon na may dalang pagkain, binigyan niya ko ng carbonara habang sa iba ay biscuits lang.
"Kayo lang may carbonara? " inis na tanong ni Jude na ikinatawa namin.
"Malay ko bang gusto niyo, kami lang naman ni Maureen dito yung gutom lagi. " paliwanag ni Vernon, actually kami lang talaga ang gutom lagi. Sina Jude at Draco malakas lang talaga kumain yan pag maraming pagkain. Si Pam naman ay hindi masyadong pala kain dahil hindi mabilis metabolism niya hindi katulad ng akin.
"Jude, bakit nga pala gusto mo maging OB GYN? " biglang tanong ni Pam.
"Hmm? Ah gusto ko kasi maka kita lagi ng v****a. "
"Mag sisisi ba kong binasa ko to? " kausap ko sa sarili ko. Gosh, hindi ko alam na ganito pala maloko si daddy Jude. Napa inom ako ng milo ko saka nag basa ulit.
simpleng sagot niya pero ikinatawa namin. Hindi lang basta tawa, halaghak. Halos matumba na kami dito kakatawa, si Draco at Vernon naman ay naka upo na sa sahig.
"Alam mo, makukuha ka talaga sa trabaho niyan Jude. " sabi ni Pam habang hinampas niya si Jude.
"Ano ba, e ayun yung gusto ko e. " tumayo na sila at nag punta sa sari sariling room. Iba iba din sched namin kaya text text na lang, latest ng nokia yung phone namin.
"Jude, wait CR lang ako. " paalam ko na ikinatango niya. Parehas kami ng kinuha ng course, pre med lang naman kaya nag parehas na kami. Pag ka labas ko ng cubicle ay nag hugas muna ako ng kamay bago lumabas.
"Ouch. " hindi pa ko nakaka labas ng may bumunggo saakin na babae na kakapasok lang ng cr. Nag papanic siya at para bang may tinatakbuhan siya.
"s**t s**t s**t. " mura niya na para bang hindi niya alam yung gagawin niya ng may marinig siyang mga babaeng papasok.
"Astriiid! Astriiid yuhuuu asan ka na, hindi pa tayo tapos! " sigaw nung mga babae sa labas. Inisa isa niya yung mga cubicle pero mga sarado, yung iba may tao at yung iba naman ay out of order.
"Aaaaaastriiiiid! "
"Ugh! " sigaw niya bago niya ko hinila at siniil ng halik!
Oo halik! Nang isang babae! Isang babaeng hindi ko kilala! Kinuha niya yung first kiss ko! Gumalaw yung mga labi niya saka linagay yung mga braso niya sa leeg ko saka mas pinalalim pa yung halik. Nag bukas yung pinto, itutulak ko na dapat siya ng may binulong siya sa lips ko.
"Dont. Just go with the flow. " bulong nito saka hinalikan ulit ako, napa pikit na ko at napa hawak sa bewang niya. Natutukso ako kaya napa halik na din ako.
"Hot, tara na. " sabi nung mga babae saka umalis. Nakaalis na sila pero patuloy pa din kami sa pag halik.
"Maureen?" s**t.
"What the f**k!? " sigaw ko dun sa babae ng maitulak ko siya. "Why did you kissed me!?" Ngumisi lang siya kaya umalis na ko. I kissed back. Gosh, this is so wrong.
"Wow. So first kiss ni mommy ay babae? " hindi makapaniwalang sabi ko. I think this will help me to know my mommy more since wala siyang na kekwento saakin. Narinig ko yung busina ng kotse ni mommy kaya tinago ko yung diary sa drawer ko at linagyun ng padlock. Bukas uli.
––