Maru Bumalik na kami sa bahay ng hapon kasama si Rica, her sister and mom para dito mag dinner at mag overnight kasi ayun daw balak ni tito daddy. "Tita mami, pahingi daw muna kayo ni baby sabi ni nanay. " sabi ko sa mommy ni Rica ng maihatid ko sila sa isang bakanteng room. "Okay, thank you honey. Wag kayong malikot ni Rica okay? " tumango ako bago niya ko halikan sa noo at sinarado yung pinto. Pagod si tita mami dahil galing work tutal mamaya pa kami mag dinner sa garden. Bumaba ako at nakita si Rica na nakatulala at para bang hindi makapaniwala sa ayos niya. "Huuuy! " tumabi ako sakanya at tinignan yung pinapanood niya sa TV. "I don't know that you like watching romance huh. " natatawa kong sabi dito pero ni hindi man lang siya tumawa at gumalaw. Seriously? "Are you okay, Rica? "

