MMD 19

1166 Words
Maru One month later... Today is a busy day kahit na eto yung start ng Christmas vacation namin, nag dedecorate kami ngayon ng mga kaibigan ko dahil isusurprise namin si mommy mamaya pag uwi niya. Sa tulong na rin nina yaya, nanay at close friend ni mommy kaso mamaya pa sina mama Pam at daddy Jude. Naandito din si Drake at nakilala na niya sina Rica at Peyton. Pinapa imbita ko nga yung parents ni Rica kaso nasa ibang bansa daw for a business matter kaya sayang. "Maru baby, may bisita ka. " tawag saakin ni nanay na ikinahiya ko. "Nay sshhh, don't call me baby pag naandito mga kaibigan ko po. " bulong ko sakanya na ikinatawa niya, buti na lang e walang nakarinig nun. "Okay sige ba– Maru. " "Sino po ba bisi– grandma! " sigaw ko ng makita ko siya pumasok sa bahay, ngumiti siya ng makita ako at dali daling pumunta saakin at yinakap. "Grandpa! " sigaw ko ng pumasok din siya, katulad ni grandma e tumakbo din siya papalapit saakin nahalatang parehong excited makita ako. Simula kasi nung pinakilala na kami ni mommy sa isa't isa mas naging close kame at palagi nila akong inaasikaso. Minsan nagagalit na si mommy sakanila dahil palagi nila ako binibilhan ng kung ano ano dahil hindi ko naman yun lahat magagamit na ikina sang ayon ko, i just love how they care for me. Kaya yung ngiti ni nanay ay priceless habang pinapanood kami, para bang na totouch. "Osige po, mauna na ko at tutulong pa ko dun sa iba. " pag papaalam ni nanay na ikinatango namin. "Lola mama and lolo papa can you help me? " tanong ko sakanila. "Anything apo, ano yun? " tanong ni lolo papa na ikina ngiti ko. "Mag luluto po tayo lolo at lola. " masayang sabi ko at hinigit sila sa kusina. "Magluluto? Ay nako apo, hindi mo kami maasahan dito. " kamot ulo na sabi nilang dalwa, sabi ni mommy lumaki sa yaman sina lola at lolo kaya hindi na nila naranasan at matuto na mag luto. Saka daw busy sila sa trabaho, workaholic daw silang parehas. "Edi tuturuan ko po kayo saka hamonado lang po lulutuin natin. " naka ngiti kong sabi, may gusto akong ipahatid kaya nag tinginan yung mag asawa na para bang may naaalala. Yes! Gumana. "Sige apo, bakit ba hamonado? " tanong ni lola mama. Kumuha na kami ng mga gagamitin namin para sa pagluto. "Secret favorite po yun ni mommy? " patanong ko na sabi kasi hindi ako sure, hindi ako sure sa nabasa ko. "Oo anak, favorite yun ni Maureen lalo na yung luto ni As– " napatigil si lolo papa sa sasabihin niya ng mahulog ni lola mama yung spatula. "Pasensiya na, matanda na. " "Okay lang po yun lola, tara na po start na tayo. " at dahil hindi nga sila marunong mag luto taga assist ko lang sila at taga gayat. Bawal daw kasi ako gumamit ng kutsilyo kaya sila na gumagawa habang nag luluto ay nag kekwentuhan kami at nag tatawanan. Bigla ko tuloy naalala yung nabasa ko sa diary ni mommy. Bago ko pinaalam kina mama at papa na girlfriend ko si Astrid ay dinala ko sa mansion si Astrid upang may time kami para sa isa't isa. Kaso nga lang... "Maureen. " "ay papa! " sa gulat ko ay nabitawan ko yung coco crunch na pilit kong kinukuha sa taas kaya tunama ito sa mukha ko. Naka box parin naman yun kaya humagalpak sa kakatawa si Astrid bago ko sinenyasan na naandito mga magulang ko. "Ay sorry po, Mr. and Mrs. Hortillano. " pag hihingi paunmanhin ni Astrid. "Just call us tita and tito, Astrid. Don't be too formal, magkaibigan naman ang pamilya natin. " natutuwang sabi ni mama kay Astrid. "Btw Maureen, bakit hindi ka na lang magpaluto kay nanay kesa cereals ang kinakain mo. Tutal gutom na rin naman kami ng papa mo. " sabi ni mama saka umupo sa pataas na upuan, ganoon din si papa. "Ay tita wag na, ako na po ang magluluto para sainyo. Ano po gusto niyo? " magiliw na tanong ni Astrid at napunta doon sa harap nina mama. "Ahh hamonado? " sabi ko dito saka siya inakbayan. Yes, inakbayan sa harap nina mama at papa. "Sina tita at tito, tinatanong ko. " tinarayan niya ko kaya onti onting bumaba yung braso ko at kamay sa bewang niya. "Are you sure hija na okay lang sayo? " "Yes po tito. " magiliw ulit na sabi ni Astrid. Hmm nag papalakas ata to e. "Osige hamonado na, tutal favorite namin iyong lahat. Bread and wine yun ng pamilya namin at ng mga Hortillano. " kindat ni papa na ikinatawa namin. "Okay! hamonado! " – "Apo. " tawag saakin ni lola kaya lumapit ako dito habang inaayos yung regalo ko kay mommy. It's just a mug na pina personalized ko at mag kasamang letter sa loob. "Po? " "Kamukha mo yun. " nguso niya kay Rica na nakikipag laro kay Drake kaya napatawa ako. Nung magkakilala na kami ni Rica ay lagi may nag sasabi niyan at napag kakamalan kaming mag kapatid o mag kambal daw. Pati yung daddy at mommy ni Rica ay sinabi yun, tuwang tuwa nga sila lalo na yun daddy ni Rica. Kahit na lagi daw nag aaway yung mga magulang ni Rica e mahal na mahal daw nila ang isa't isa at nakita ko naman yun. Nakakatuwa lang dahil nung una akala ko masungit at nakakatakot yung daddy ni Rica pero hindi pala, tinuring niya din ako na parang tunay na anak. Biniro ko pa nga isang beses na baka anak nila ako na ikinatawa nila, pero ang sinabi nila yung ikinabigla ko. 'Nako! Sana nga pero parang anak ka ng kapatid ko. ' Nagbibiro lang ako pero bakit seryoso yung pagkakasabi niya nun? "Apo? " "Ay sorry po lola mama, opo kamukha ko po siya. Sabi na din saakin ni Mommy at nang iba pa po. " "Ang cute niyong dalwa. " Lumipas yung oras sa paghahanda namin, puno ng pagkain at putahe yung mahaba at malaking mesa namin. Wala pa yung kasiyahan pero sobrang saya na ng paligid. "Anak, naandiyan na ang mommy mo! " sigaw ni nanay at narinig namin yung magkakasunod na busina, naandito na sina mommy, daddy Jude at mama Pam! Lahat kami ay nag si puntahan sa living room at pinatay yung ilaw bago nanahimik. Nasa tabi ko sina lolo papa at lola mama para nasa gitna at unahan yung taong mahalaga kay mommy. "Maru? Baby nasan ka na? Bat ang dilim sa–" nagbukas yung ilaw at pinaputok ng mga daddies ang party popper. "HAAAPPY BIRTHDAAAAY!!" For the first time, nakita kong ngumiti ng totoo si mommy at umiyak ng masaya. In short tears of joy. "Happy birthday mommy, i love you. " sabi ko dito bago lumapit at yinakap siya. "Thank you, Maru. I love you too. " ––
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD