MMD 17

1021 Words
Maru Pagkaalis nila Drake at Vance kasama na yung daddies nila ay agad akong pumasok sa kwarto ko tutal tinutulungan ni mommy si nanay magligpit at mag ayos. Dito na din kasi sila nag umagahan at nagtanghalian, ang gagaling talaga ng mga daddies ko. Kinuha ko yung diary ni mommy upang mag basa ulit, matagal na din kasi nung huli ako nakapag basa. Ang hirap pala man ligaw. Hindi ko tuloy alam kung matatawa ako o maaawa kay mommy sa unang sentence na sinulat niya pero wait nan ligaw si mommyy? Siya yung nan ligaw? Oh my gosh, so si mommy ang nanligaw kay Astrid? Pero sulit naman nung nag 'yes' siya, isang taon din ako nanligaw uyy. Ginawa ko lahat yung sinuggest nina Draco, Vernon at Jude kahit na yung iba dun ay medyo katarantaduhan na ng mga kaibigan ko kahit na mukha na kong tanga pero atleast napapa tawa ko siya. Nung 6th month nga ay nalaman na ng kuya niya, nasuntok pa ko. Susuntukin ko nga din sana kaso bigla kong naalala na kuya siya ng girlfriend ko ngayon. Buti na lang hindi na naulit yun, pina sumpa niya ko na wag na wag ko daw sasaktan si Astrid kung hindi malalagot ako sakanya at baka hindi niya ko mapatawad. The day na nag away away kami nina dad at mom about my sexuality and Astrid. Umalis ako sa mansion at tumuloy sa condo ko na bigay saakin ng lolo kong yumao na. Tama nga siya, kakailanganin ko tong condo na ito. Yung bank account ko, every month dumadagdag yun ng 35k kahit meron pa rin laman na kasya sa isang buwan. Kilala ko mga magulang ko, hindi nila kaya ipa block yung back account ko at alam ko din na binabayaran pa din nila tuition ko ng full. Hindi nila kaya masira at mawala ang kanilang nag iisang anak. Kung buhay pa si kuya Mauro, siya ang bibigay ng pangangailangan ko dahil sigurado akong blinock na nila lahat ng credit card ko. Ayaw pa nila, ayaw ba nila na may magdadala na sa apilyido nila? Duh ang ganda kaya ng apilyido ko kay Astrid, Astrid Raeka S. Hortillano. "Raeka? So sakanya kinuha yung second name ko? " hindi makapaniwalang saad ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako o ano? Pero alam ko sa sarili ko na na totouch ako dahil pinangalan saakin ni mommy yung second name din ng taong mahal na mahal niya, yung first love niya and first girlfriend na may malaking parte sa buhay niya. So this page is not to rant but to appreciate Astrid and how i make court to her. Yung sinabi ko na gusto ko siya at man liligaw ako ay tumitig lang siya saakin at tumawa. "Seryoso ka? " natatawa nitong sabi saakin habang nag bibigay ng mga biscuits sa mga bata dito sa bagong orphanage niya sa may Quezon City. "Mukha ba kong nag bibiro? " "Oo ahahhaha. " Buong araw pinilit ko siya na umoo na man liligaw ko, pinilit ko din siya na totoo yung sinasabi ko na gusto ko siya at hindi ako nag bibiro. "Believe me Astrid, i like you. " buong puso ko sabi sakanya habang naka tingin ng maigi sa mga mata niya, gabi na non at nasa harapan kami ng kotse ko. "a lot. " sumilay nanaman yung ngiti sa mga labi niya at tumango bago niya ko yinakap. "Oo na nga, sige pwede ka na manligaw kung gusto mo talaga ako. " Araw araw, gabi gabi pinag igihan ko yung panliligaw ko. Hindi ko siya pinepressure at hindi ako nag tatanong kung kelan ba niya ko sasagutin dahil pagdating sakanya. Pagdating sa taong mahal mo, handa kang mag hintay. "Aray naman kuya. " tinulungan ako ni Astrid na tumayo mula sa pagkakasuntok saakin ng kuya niya, na out of balance kasi ako nung sumuntok siya. "Walang hiya ka kase, bakit hindi ka nag paalam saakin na liniligawan mo pala tong kapatid ko? " masungit na tanong niya saakin pero binigyan ako nung ice. "Baka kasi palayuin mo ko kay Astrid. " "Hindi ko gawain yun Maureen, kapag gusto ng kapatid ko gusto ko din at rerespetuhin ko yun pero oras na sinaktan mo yang kapatid ko malalagot ka sakin baka kung ano pa magawa ko sayo at makalimutan kong kapatid ka ng matalik kong kaibigan. " "I will never hurt her physically kuya pero i can't promise na hindi ko siya masasaktan kahit onti dahil misunderstanding exist. " "I know, i hope na hindi yun lalake ng sobra dapat maliit lang at magagawan ng solusyon agad dahil ayoko kayong makitang nasasaktan araw araw. Ano man mangyari sainyo, naandito lang ako para sumuporta bilang isang kapatid at sayo naman Maureen bilang matalik na kaibigan ni Mauro. " "Thank you kuya Austin. " One of the best conversation i have. Blessing na din yun para saakin kasi alam ko at ni Astrid hindi lang yung mga kaibigan namin ang supportado pati na din ang kuya Austin niya. Pumunta din ako sa puntod ni kuya Mauro at humingi ng blessings at support sakanya kahit wala na siya. One year later at nangyari na ang hinihintay ko, in the most unexpected moment sinagot niya ko. Yung lahat ng nangyari nung gabi na yun ay hindi ko inexpect, dapat kasi hihiga lang kami sa likod ng kotse ko with comforters and pillow pati na din pizza at iba pang pagkain with a movie na dinownload ko sa laptop. Tapos na yung movie kaya lumabas si Astrid, nakakatuwa lang dahil sakto yung gabi. Ang daming stars kaso bigla namang umulan. "Astrid! Umuulan, halika dito baka magkasakit ka! " higit ko sakanya pero ako ata ang nahigit niya kaya nabasa na din ako. Wala na, basang basa na ko kaya nakatayo ako habang nakatingin sakanya na naka simangot pero sa loob looban ko nakangiti ako dahil sobrang saya niyang tignan. "Ahh she's pissed off. " pangangasar pa niya, kinawit niya yung mga braso niya sa leeg ko kaya napahawak ako sa bewang niya. Then boom! She kissed me. "Yes, Maureen. I like you too. " ––
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD