Maru
I got curious about 'Astrid'. May nag tutulak saakin na alamin kung sino siya, sino siya sa buhay ni mommy, kung nasaan na siya at kung ano ano pa. May kutob din ako na may parte siya sa buhay ko, malaking parte to be exact.
Nung umalis ni si mommy at busy sa pagluluto si nanay ay nag punta ako sa kwarto ni mommy baka may malaman ako dun. Masyado akong gahaman sa information about her kaya hindi ko na tinapos yung diary ni mommy, binasa ko na yung sumunod dun pero puro family problems ang nakalagay.
Nalaman ko din doon yung pangalan ng mga magulang ni mommy, Mellisa Hortillano and Sage Hortillano. Nalaman ko din doon na may kuya si mommy kaso namatay dahil sa plane crash. His name is Mauro Sage Hortillano.
Sa side table ni mommy ay may picture frame, tatlong picture frame. Yung isa, sina mommy pam at yung mga kaibigan niya. Yung pangalwa, ako at si mommy and lastly. Siya at isang babae. Who is she? Kinuha ko yung picture frame at tinitigan. Oh my gosh, kamukha niya yung babae na nasa kwarto. Eto nga gawa ng hair niya!
She has blonde hair, dark brown eyes, maputi at isang magandang ngiti na parang.. Sakin? No, it's Rica's. Parehas kaming blonde hair, parehas na parehas even Rica parehas din kami. Is it possible na related kami? But that doesn't mean na related kami just because of blonde hair!
Patagal ng patagal, nagiging kamukha ko siya pero nung tignan ko yung katabi ko niya which is si mommy, kapag pinaghalo. Akong ako, na weweirduhan man ako nakikita ko na yubg resemblance namin ni mommy even sa ugali.
Parehas kami ni mommy na kapag nagpadala sa emosyon, parang hindi na kami iyon. We can hurt someone emotionally and physically. Pero kapag yung babae lang tinignan, it's Rica. Kamukha kamukha niya si Rica. Napabuntong hininga ako at binalik yung picture frame sa kinalalagyan. Pumunta ako sa office room ni mommy, katulad sa bedside table niya. May pictures din sa office table niya pero dalwa lang. Picture ko at picture nung babae.
"Gaano ka kaimportante kay mommy? "
Maghalungkat ako ng mga papers and envelopes pero binabalik ko din sa dati para hindi halata. Puro about sa hospital, patients, business at kung ano ano pa hanggang sa mapunta ako sa pinaka last na drawer. Oonti ang laman, kinuha ko yung isang envelope at tinignan iyon.
"Kasal si mommy? " hindi makapaniwalang tanong ko, nanginginig akong tinignan yung laman ng envelope at hinuho iyon.
Sa America sila nagpakasal, pati sa Canada, Australia, Sydney at Greece. Ang dami, ganoon ba nila kamahal ang isa't isa. May pictures din, damn. Babae ang pinakasalan ni mommy?
"Ang saya ni mommy. " ayun lang lumabas sa bibig ko habang pinatitigan yung mga pictures galing sa iba't ibang bansa. Picture pa lang, you will see the true love between them. The true love that will never die.
Binalik ko lahat yung laman sa envelope pero kinuha ko yung isang picture at tinago saakin. Yung isang envelope naman kinuha ko, papers lang din pero nakalagay doon ay yung name ng hospital ni mommy and fertilized sperm of Mauro. Nagamit na daw, kanino naman inano? Kung nagamit na, edi may nabubuhay pa na Hortillano except mommy and her parents.
Sumasakit yung ulo ko sa mga nalalaman ko, binalik ko yung papers at dahan dahan na umalis sa room ni mommy at pumunta sa sala para mahiga.
"Okay ka lang anak? " tanong ni nanay ng makita niya ko, pumikit ako at umiling. "Nag tatampo ka pa rin ba sa mommy mo? " this time, tumango na ko at ngumiti ng malungkot.
"Intindihin mo na lang si mommy anak, maraming nawala sakanya kaya natuwa lang yun na may nakita siyang kamukha. " pagpapaliwanag ni nanay, umupo ako at tinignan si nanay
"Nay, may itatanong po ko sainyo. " tumango siya at ngumiti. "Sana po, magsabi kayo ng totoo. "
"Sige ano yun? " bununtong hininga muna ako bago magsalita.
"Sino po ba si Astrid? Ano po siya sa buhay ni mommy? " halatang nagulat si nanay sa tanong ko at hindi alam kung ano sasabihin.
"Kanino mo nalaman yang pangalan na yan? "
"Narinig ko po kay mommy. " totoo naman, naririnig ko siya lagi kay mommy at kahit nag tanong na ako kay mommy kagabi i still want to know kung anong sasabihin ni nanay,
"Hindi ako ang tamang tao para mag sabi niyan sayo, pero ang masasabi ko lang ay magandang babae yan si Astrid. May mabuting puso, gagawing ang lahat para sa minamahal niya at sa mga bata. May sariling orphanage yun, doctor din siya katulad ng mommy mo. " naka ngiting kwento saakin ni nanay na parang may inaalala.
"Sabay silang nangarap ng mommy mo, siya din ang nagpapalakas kay Maureen kapag down na down na siya. Yung hospital ng mommy mo? Sa kanilang dalwa yun, kaya ang logo ng hospital ay parehas babae na nakatalikod at magkahawak kamay. "
"Edi mahalaga po siya kay mommy? Ano po siya sa buhay ni mommy? " tanong ko pa kahit na may nakita akong marriage contract between them.
"Ang mommy mo ang dapat mag sagot niyan anak pero ang masasabi ko lang. buong pagkatao ni Maureen, puso at isip ay si Astrid. "
"Hanggang ngayon at magpakailanman. " dagdag pa ni nanay.
"Nasaan na po siya? Bakit wala siya dito, bakit hindi siya natulong kay mommy? " pagtataka ko, kase kung kasal sila she is suppose to be my mommy too! We are supposed to be a family, a complete family! I want to meet her and bring her back because i feel na masaya si mommy if naandito siya. Ngumiti si nanay ng malungkot at nagpahid nung tumulong luha na hindi ko namalayan na kanina pa pala siya naluluha.
"Patay na siya. " napa nganga ako sa nalaman ko saka napalungok. Bakit parang may mabigat sa dibdib ko.
"B-bakit po? Paano po nangyari? "
"Namatay siya sa panganganak, sa sobrang stressed at depressed bukod doon narape din siya anak. Nakaka awang bata, hindi niya dapat naranasan iyon. "
––