KINABUKASAN, unang araw ng setyembre. Isang simpleng kasalan ang naganap sa garden ng bahay ni Rigo. Isang judge ang nagkasal sa kanila. Pormal at simple. Tanging ang mga tauhan sa bahay nila ang tanging siyang naging saksi sa pag-iisang dibdib ni Rigo at Nadja. Hindi magkandamayaw si Celia at kilig na kilig habang tinitingnan siya sa suot niyang wedding dress na mabagal na naglalakad sa aisle patungo kung saan naghihintay si Rigo at ang judge na magkakasal sa kanila. Nakabihis ito ng semi formal tuxedo. Ang mahaba nitong buhok ay nakaipit sa bun. Ang balbas at bigote nito ay binawasan lang ng konti upang maayos iyon tingnan. Inaasahan niya, sa araw ng kasal niya ay babaguhin nito ang anyo nito. Na babalik ang dating kisig at kaguwapuhan ng binata. Ang maaliwalas at nakakapang lambot n

