Nang alalayan siya ni Manang Irma ay hindi alam ni Nadja kung papasok pa ba siya sa loob ng kabahayan. Umiiyak pa rin ng mga panahong iyon. Nanghihina at nanginginig sa sobrang emosyon na kumawala sa kanya. At tila napako na siya sa kinasasadlakan. Hindi sila tumuloy sa hagdan kung kaya ay sa kusina na muna siya nagpalipas ng oras. Nang makaupo siya sa isa sa mga silya ng dining ay inabutan siya ng isang basong tubig ng mayordoma. Doon lamang lumubag ang pakiramdam niya. Ang mga pisngi at tungki ng ilong niya’y namumula ng dahil sa pag-iyak. “Mabuti na ba ang lagay mo, hija?” mabait na tanong sa kanya ni Manang Irma. Bahagya siyang tumango. Ang tisyu na inabot nito sa kanya ay pinunas niya sa limas niyang mga luha sa pisngi. “Kahit po papaano ay bumuti na ang lagay ko,” she presumed.

