Malaikah's PoV MABIGAT ang pakiramdam ko nang magising ako. Pakiramdam ko parang umiikot pa rin ang paligid ko. Naghikab ako at tumingin sa aking paligid. Ganoon na lamang ang gulat ko nang malaman kong nasa ibang bahay ako. Mahabang t-shirt na kulay itim at polda dots na boxer na kulay violet ang suot ko. Hindi ko matandaan kung ano ang nangyari kagabi. Ang tanging alam ko lang nagpunta ako sa bar matapos kong marinig ang malakas na ungøl ng isang babae nang tinawagan ko si Angelo at sumagot ito. Sobrang saya ko pa habang nagkukuwento rito ng mga nangyari sa akin ngunit ganoon na lang ang gulat ko dahil kalaswaan lang aking narinig. Naniningkit pa rin ang aking mga mata sa kakaiyak. Tinapik ko ang aking magkabilang pisngi, fully air-conditioned ang kuwarto at kulay puti lahat ng nakik

