Malaikah's PoV NARAMDAMAN ko na may kamay na nakahawak sa kamay ko kaya naman naalimpungatan ako at mabilis na bumangon. Itinulak ko siya sa kama at nalaglag ito sa sahig. “Aray ko!” reklamo ng isang lalaki na bumagsak mula sa kama na aming hinihigaan. Doon ko lamang napansin na nandito ako sa loob ng apartment namin ni Angelo. Tumayo ang lalaki na nakaputing sando at may pink na hairband. Nakahawak ito sa bewang na nasaktan. “Kaloka ka! Ikaw na nga itong binantayan sa magdamag, ikaw pa itong may ganang manakit!” pagrereklamo pa ni Drei sa akin. “So-Sorry…”Mabilis akong tumayo para lapitan ito. “Akala ko kasi ibang lalaki Ang kasama ko. Bakit ako nandito sa apartment namin ni Angelo?” “Sa sobrang kalasingan mo.” Lumabas na si Drei ng kuwarto at nagtungo ito sa kusina para maghilamos

