Chapter 15-3

1212 Words

WEDDING anniversary ng mag-asawang Aragon. Kasamang dumalo ni Ysabel ang mga magulang niya ngunit nauna ang mga itong umuwi dahil biglang sumama ang pakiramdam ng Daddy niya. "Senyora Beatrice... Senyor Rafael magpapaalam na po ako sa inyo. Mauna na po akong umuwi. Maaga pa po kasi ang flight namin bukas eh. Maraming salamat po ulit sa lahat ng kabutihan ninyo sa amin ni Mama!" pagpapaalam ni Ysabel sa mag-asawa. "Walang anuman,Ysa. Sana Dalawin mo kami kung sakaling babalik ka galing sa America! Pwede kang mag stay dito sa amin kapag naisipan mong magbakasyon!" si Señora Beatrice at niyakap pa nito si Ysabel. "Mag-iingat kayo sa byahe, Ysa. Katulad ng sinabi ng asawa ko welcome kayo dito sa bahay kung sakaling maiisipan niyong magbakasyon," nakangiting sambit naman ni Senyor Rafael. "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD