MALAYO palang ay tanaw na ni Ysabel ang nakangiting mukha ng kaibigan na naghihintay sa kanya sa labas ng San Martin High School. Paghinto ng kotse ay agad siyang lumapit dito at yumakap. "Gab, anong ginagawa mo dito?" "Ahmmm para sayo," Inabot nito ang isang bouquet ng pulang rosas na nakatago sa likod nito. "P-Para saan yan?" kanda utal na tanong ni Ysabel. "Gusto ko lang sana humingi ulit ng tawad tungkol doon sa nangyari sa beach. Hindi lang ako nakapunta agad kasi busy kami ngayon sa praktice sa basketball." "Ano ka ba! Wala ka naman kasalanan ah. Aksidente ang nangyari. Hindi mo naman ako itinulak na mapunta sa ilalim ng banana boat eh." "Hindi kasi kita napangalagaan tulad ng pinangako ko! Kaya I'm sorry ulit!" Iniabot nito ulit ang mga bouquet. "Kapag hindi mo ito tinanggap

