SA mansion ng mga Aragon naglunch ang buong barkada. "Tita Anna, ang sarap niyo po talagang magluto," wika ni Sabrina iyon pagkatapos matikman ang bagong hain na kare-kare ng Mama ni Ysabel. "Oo nga po. Swerte nitong si Jaden at Ysabel, araw-araw natitikman ang luto niyo," segunda naman ni Adam. "Naku, Salamat! Nakakataba naman ng puso," nakangiting pasasalamat ni Aling Anna. "Sige,kain lang kayo at may ginagawa pa ako sa kusina." At tumalikod na ito at bumalik ng kusina. "Ikaw Ysa, hindi ka ba kakain?" asked Bryan. Tumutulong kasi si Ysabel sa paghahain at pag-aasikaso sa mga kaibigan. "Ha? A e mamaya na ako...mauna na kayo!" sagot naman ni Ysabel. "Para ka namang other's, Ysa. Hindi muna kami kailangan asikasuhin. Maupo ka na rin at sumabay kana sa amin kumain," pangungulit ni Brya

