PAGKATAPOS ng masaganang hapunan ay nagpasya ang lahat na magkantahan. Nagpalabas si Austin ng flat screen tv at magic sing sa mga tauhan ng resort at inilagay sa cottage. "Since si Ysa ang may birthday siya dapat ang unang kakanta," suggestion ng baklang kaklase at ibinigay kay Ysabel ang microphone at song book. "H-hindi ako marunong..." tanggi ni Ysabel. "Come on Ysa. Katuwaan lang. Wala namang judges dito," pamimilit pa ng isang kaklaseng babae. "Hindi talaga ako marunong... Pang banyo lang ang boses ko baka mag-uwian lang kayo kapag narinig niyo ang boses kong kumakanta." Tangging biro ni Ysabel. "Ako nalang ang kakanta para sa kanya," presinta naman ni Gabriel. "Oh sure, Fafa Gab," anang bakla at nagpacute pa ito kay Gabriel na tinawanan lang ng binata. Kinuha nito ang songbook

