Chapter 8

2181 Words
Chapter 8 NASA MALL AKO NGAYON para bumili ng white polo blouse. Hindi ko kasama si Zacreus ngayon dahil may meeting 'to sa opisina niya. Ayaw pa nga niya sana akong payagan at ang gusto ay samahan ko muna daw siya sa opisina niya. Hindi ako pumayag sa sinabi niya dahil baka meron siyang mahalagang gagawin. Nang makahanap ako ng white polo ay agad kong binayaran 'to sa counter. Nagpasalamat ako ng iabot sa 'kin ang paper bag saka ako lumabas ng store. Masyado pa namang maaga kaya napag desisyonan ko nalang muna mag-ikot ikot sa mall. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at agad nagtipa ng message kay Zacreus bago ko binalik ang phone sa bag ko. May nakita akong stall na nag bebenta ng ice cream kaya agad akong lumapit do'n saka bumili. Palakad lakad lang ako sa mall at nagtitingin-tingin ng mga damit, kapag may nagustuhan naman ako ay agad ko 'tong binibili. Kinuha ko muna ang phone sa bag ko at baka nag message sa 'kin si Zacreus. Magagalit na naman 'yun kapag hindi ko siya nireplayan agad. Tinignan ko ang screen ng cellphone ko sabay napabuntong hininga. Hindi kasi nag reply si Zac sa message ko, busy siguro siya kaya hindi niya na napansin. Nagtipa ulit ako ng message saka sinend ulit sakanya. Hindi ko na nilagay ang phone sa bag ko dahil alam kung sasagot agad si Zacreus sa 'kin. Ngunit nagdaan nalang ang 30 minutes ay wala paring reply. Inilagay ko nalang ang phone ko sa likod ng pantalon ko at agad bumalik sa pagkain ng ice cream. Dahil na bored na ako sa kakalakad sa mall, napag desisyonan ko nalang na umuwi, ngunit agad nag bago ang isip ko ng maisipan kong puntahan si Zacreus sa office niya. Agad akong pumara ng taxi at sinabi ang address ng office ni Zacreus. Naka ngiti ako habang nakatanaw sa labas ng bintana ng taxi habang iniisip si Zac. Malamang ay matutuwa 'yun kapag nakita ako. Mabuti nalang hindi traffic kaya agad akong nakarating sa building. Bumaba ako ng taxi saka naglakad papunta sa harap ng building. Yumukod pa sa 'kin ang dalawang guard na naka duty sa entrance saka ako pinapasok sa loob. Kilala naman nila ako dito bilang kapatid ni Zacreus kaya hindi nila ako hinarang. Nasa harap ako ng elevator habang hinihintay na bumukas 'to. Nang bumukas ang pintuan ng elevator ay agad akong natulos sa kinatatayuan ko. Nabitawan ko pa ang hawak kong paper bag sa sobrang pagkabigla ko. Mabilis naman tinulak ni Zacreus ang babaeng kahalikan niya at agad lumapit sa 'kin. "Baby!" Tawag niya sa 'kin at agad na hinawakan ang kamay ko. "The adopted girl right?" Maarteng tanong sa 'kin ng babae at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "She's my — "Adopted. Adopted po ako nila kuya Zacreus." Pagpuputol ko sa sasabihin ni Zacreus. "Oh, finally na meet narin kita. Lagi ka kasing chinichika ni tita Isabel sa 'kin." Maarte niyang sabi habang naka ngiti sa 'kin. "Wanna come with us? lunch?" Naka taas ang isa niyang kilay habang tinatanong ako. "But, baka kasi ako ang kainin ng kuya Zacreus mo. Alam mo na.." "Stop it, Claire." Malamig na sabi ni Zacreus at agad niya akong pinaharap sakanya. "Sige na kuya Zac. Mauna na po akong umuwi." Seryoso kong sabi sakanya. Hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na makapag salita. "Enjoy po kayo," dugtong ko saka ako ngumiti kay Claire at agad tumalikod sakanila. Muntik ko pang makalimutan ang nabitawan kong paper bag kaya bumalik ako para pulutin 'to. Mabigat ang pakiramdam ko habang naglalakad palabas ng building at agad pumara ng taxi. Wala ako sa mood para umuwi kaya napag desisyonan ko nalang na mag search sa phone ko kung may bukas naba ngayon na bar. Hindi ako makapaniwala na meron pala talagang bukas na bar. Ang akala ko kasi ay tuwing hapon or gabi lang ang bukas, hindi ko naman kasi alam dahil first time kong pumasok sa bar. Agad akong pumasok sa bar na nahanap ko. Napansin ko ang paligid na kukunti palang ang mga tao, siguro dahil tanghaling tapat palang naman. Naghanap ako ng table at agad na umorder ng isang bucket ng beer. Hindi ko alam kung mauubos ko 'to, bahala na. Gusto ko lang makalimutan ang nakita ko kanina. Pinipigilan kong hindi maiyak kanina para naman hindi ako mag mukang kawawa. Agad na inilagay ng waiter ang inorder kung beer sa harap ko kaya nagpasalamat ako. Nagkakalabuan na kami ni Clint, at gusto ko ng makipaghiwalay sakanya para kay Zacreus. Tapos 'to lang pala ang makikita ko. Nahirapan pa akong buksan ang isang bote ng beer hanggang sa tuluyan na akong natuto. Inamoy ko muna ang nabuksan kong bote at agad na ininom 'to. Sa una ay napaitan ako sa lasa hanggang sa nasanay na ako at tuluyang nagustuhan ang lasa ng beer. Inom lang ako ng inom hanggang sa isang bote nalang ang naiwan. Pakiramdam ko rin ay parang namamanhid ang balikat ko, ito pala ang epekto ng alak ngayon ko lang nalaman, habang ang mga talukap ng mata ko ay bumibigat na. Inubos ko ang last na bote saka ko tinawag ulit ang waiter para umorder pa ng isang bucket. Agad kong nginitian ang waiter ng mailapag niya ang order ko sa table. Kinuha ko agad ang abredor saka binuksan ang isang bote at tinungga 'to. Mahina akong natawa habang iniisip si Zacreus, siguro ngayon ay nag kakainan na sila sa mga oras na 'to. Bwesit sila! Magsama silang dalawa. Tumungga ulit ako at agad kumuha ng yelo na nasa harap ko saka ko 'to nginat-ngat. "Woah! Lasinggera pala kapatid ni Zacreus?" Agad akong nag angat ng tingin ng marinig ko yun. Naka ilang kurap pa ako para makita ko nang mabuti ang mukha ng lalaking nakatayo sa harap ko. "P-pakihh mo ba??" Inis kong sabi sakanya sabay inom ulit ng beer. "Naku, lasing kana nga. Sa pananalita mo palang." Sabi niya sabay upo sa bakanteng upuan na katapat ko. "Bakit ka umupo?? Hindi naman kita niyaya ahh," saad ko habang pilit na kinukurap ang mga mata ko. Tumitig ako sa lalaki na nakangiting nakatitig sa 'kin. Ngayon ko lang napansin na muka pala siyang anghel. Ang amo kasi ng mukha niya, makapal ang dalawang kilay at may matangos 'tong ilong. May tattoo din siya sa leeg na hindi ko makita ang design. Matangkad din siyang lalaki at halatang may magandang katawan dahil sa lapad ng balikat niya at nag puputukang balikat niya dahil sa muscle. Ang ganda din ng mga mata niya, parang kumikinang. "U-umalis ka nga!!" Sabi ko sabay sipa ng paa niya. "Ayaw ko nga!" Sabi niya habang naka taas ang isang kilay. "Pwede ba!! Gusto kong mapag-isa.. kaya umalis ka!" Sigaw ko ulit sakanya saka ako nagbukas ng isa pang bote. Ngunit, agad ko nabitawan ang boteng hawak ko ng madulas 'to sa kamay ko. Namamangha naman akong nakatingin sa lalaki ng mabilis niyang sinalo ang nabitawan kong beer. "Wow ang galing!!" Tumatawa kong sabi sabay palakpak sakanya. "Lasing ka na nga! Mag babasag ka pa dito ng bote," seryoso niyang sabi sabay bukas ng beer at agad na inabot sa 'kin. "Salamat." Sabi ko at agad na tumungga sa bote. "Ano nga pala pangalan mo k-kuya?" Tanong ko habang naka ngisi sakanya. Napa iling naman 'to saka nagkamot sa isa niyang kilay, ang gwapo tuloy niyang tignan. "I'm Kier. Kier Silvestre." Pagpapakilala niya. Tunog pang mayaman ang apelyido niya. "Ako naman si ano.. si Herrah.." Sigaw kong sabi habang tumatawa at nakataas ang isa kong kamay. "Okay, Herrah. Gusto mo ba ng pulutan? Langya, ginawa mong pulutan yang yelo." Seryoso niyang sabi sa 'kin. "May pulutan pala kayo dito?" Tanong ko sakanya. Hindi ko kasi alam na meron pala. Malay ko ba. "Oo, kung gusto mo may kanin din." Nakangisi niyang sabi. "Ano bang pulutan niyo dito?" Tanong ko sabay lapag ng beer sa mesa. "Hmm.. sisig you want?" Tanong niya sa 'kin. Agad naman akong tumango kay Kier. Itinaas niya ang kamay niya na parang tinatawag ang waiter at agad sinabi ang order, nag dagdag din 'to ng isa pang bucket. "Uyy.. teka.. baka magkulang pera ko," sabi ko sabay kuha ng wallet sa bag ko. "Don't worry, ililista ko nalang sa pangalan ni Zacreus kapag hindi ka nakabayad." Naka ngisi niyang sabi. "Hoyy wag mong gagawin yun. Mag huhugas nalang ako ng plato kapag nag kulang pangbayad ko." Seryoso kong sabi. "Nasaan ba may-ari ng bar na 'to para mapaki usapan ko." Sabi ko kay Kier dahilan para matawa 'to. "Ako lugi negosyo sa'yo, kaya ikaw bayad." Sabi niya na parang ginagaya ang boses ng mga negosyanteng intsik dito sa Pilipinas. Para tuloy siyang timang kaya natawa ako. Hindi ko namalayan na kanina pa pala kami nag kwekwentohan ni Kier. Halos maluha luha ako sa kakatawa sa joke niya. Ang bilis kong naka gaanan ng loob siya, parang ang sarap siguro nito maging barkada. Nalaman ko din na siya pala ang may-ari ng bar na 'to. Ang walanghiya, pag huhugasin daw niya ako ng plato mamaya at ipapalinis daw niya ang bar sa 'kin. Mabuti nalang ay nandito siya, panandalian kong nakalimutan ang nakita ko kanina. Alam kung bukas ay maaalala ko naman at masasaktan na naman ako. Kung pwede lang ay uminom ulit ako bukas para mawala ulit 'yun sa isipan ko para hindi ako masaktan. Nahihilo akong sumandal sa likod ng upuan habang hinihilot ang sentido ko. Hindi ko alam kung paano ako uuwi ngayon. Kasalanan 'to ni Kier eh, panay order ng bucket. Sinabi ng first time kung uminom kaya ayon mag celebrate daw kami dahil natuto na daw ako mag inom. Parang timang lang. "Kasalanan mo 'to, Kier.. pano ako uuwi ngayon." Maktol ko habang hinihilot ang ulo ko. Hindi ko na nga maibuka ang mga mata ko dahil umiikot ang paningin ko. "Wag kang mag alala. May susundo sayo rito." Saad niya. "S-Sino naman?? Wala naman akong— "Herrah.." Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng marinig ko ang baritonong boses ni Zacreus. Nag angat ako ng tingin saka parang baliw na tumawa. "Uyy.. nandito na pala ang kuya ko. Tumatawa kong sabi habang pumapalakpak sa harap ni Zacreus. "Nga pala, Kier..kuya ko." Nakangisi kong sabi kay Kier na agad tumawa ng malakas. "Yari ka mamaya," sagot niya na ikinakunot ng nuo ko. Bakit naman ako mayayari? "Kuya Zacreus.. may utang ako kay Kier." Naka nguso kong sabi sakanya. "Bayaran mo para hindi niya ako paghugasin ng plato." Maktol ko habang tinuturo si Kier. "Let's go. Lasing na lasing ka na." Seryoso niyang sabi sabay hawak sa isa kong braso. "Ayaw ko pang umuwi kuya Zac.. gusto ko pang mag lasing eh. Ang sarap pala ng beer." Sabi ko sabay hagikhik. Napabuga naman siya ng hangin saka ako mabilis na binuhat. "Ibaba mo ko!" Pag pupumiglas kong sabi kay kuya Zacreus ngunit hindi man lang niya ako pinansin. "Bakit ka naglasing?" Tanong niya sa 'kin kaya agad akong yumakap sa leeg niya. "May gusto lang akong kalimutan," sabi ko sa mahinang boses. Ipinikit ko ang mga mata ko habang inaamoy ang mabangong leeg ni Zacreus. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kotse at agad akong ipinasok ni Zacreus sa loob. Naramdaman ko pa ang pagkabit niya ng seatbelt ko saka niya isinara ang pinto. Hindi ko na kayang imulat ang mata ko kahit subukan ko. Ganito pala epekto ng alak. "Baby.." tawag sa 'kin ni Zacreus nang makapasok 'to sa loob ng kotse. Hindi ako sumagot sakanya dahil naiirita na naman ako. "I'm sorry.. I'm sorry kung hindi ako naka iwas kay Claire kanina. I promise, hindi ko ginusto 'yun. f**k! Ang labi mo lang ang gusto kong matikman wala ng iba." Sabi niya. Naramdaman ko naman ang labi niya sa pisngi ko saka dinadampian 'yun ng halik. Bumuga siya ng hangin saka idinikit ang nuo niya sa pisngi ko. "Wag mo ng uulitin 'yun, baby. Kanina pa kita hinahanap, ngunit hindi ko alam kung saan ka nagpunta. Muntik na akong pumunta ng police station para humingi ng tulong para mahanap ka lang." Sabi niya. Pilit kong ibinuka ang mga mata ko dahilan para magkasalubong ang tingin naming dalawa. "Bakit mo naman ako hinahanap?" Naka kunot nuo kong tanong. Pinisil naman niya ng mahina ang pisngi ko saka niya ako hinalikan ng mabilis sa labi. "Gusto sana kitang ipakilala kay Claire kanina, pero inunahan mo ko. Ginagalit mo ba talaga ako, Herrah?" Seryoso niyang tanong sa 'kin. Inirapan ko siya saka ako umiwas ng tingin sakanya. "Wag mo na akong landiin KUYA Zac. Doon ka nalang kay Claire." Sabi ko habang nakatingin sa labas ng bintana, talagang sinadaya kong pag diinanan na tawagin siyang kuya. "Mag kuya kapa sa 'kin baby, tanggal damit mo dito sa kotse." Pagbabanta niya sa 'kin. "Tumigil kana! Gusto ko ng umuwi kaya iuwi mo na ako." Sigaw ko sabay pikit ng mata ko. Narinig ko naman ang pagbuga niya ng hangin saka niya hinalikan ang nuo ko. Naramdaman ko nalang ang pag-usad ng sasakyan kaya hindi na ako nagsalita pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD