MUNTIK nang himatayin si Anje sa stage habang kumakanta siya. Mabuti na lang at nakaya niyang maglakad pabalik sa backstage. That song was still painful for her to sing. Noong isinusulat niya iyon ay iniyakan niya iyon nang husto. At ngayong napatungan na iyon ng composition ni Adam ay lalong naging matindi ang epekto niyon sa kanya. “Adam is a genius. Kahit ako ay naiyak,” wika niya kay Ginny. Nang tingnan niya ito ay namamasa rin ang mga mata nito. Sa katunayan, lahat ng mga kabanda niya ay namamasa ang mga mata. Ngumiti si Ginny. “Yes, he is. I will tell him you said so. Pero higit sa composition niya, mas nakakaiyak ang isinulat mo. Noong una kong nabasa `yon, masakit sa puso pero hindi ko masyadong naintindihan. Now I know the story behind it and I can’t help but cry,” wika nito.

