NAKITA ni Ted si Brad paglabas niya ng elevator. May isang malaking sasakyan sa tabi nito na nakabukas na ang pinto. Bago pa siya makapagsalita ay sinenyasan na siya nitong pumasok agad. Nagtataka man ay tumalima siya. Naging malinaw lang sa kanya ang lahat nang pag-upo nito sa driver’s seat at buhayin nito ang makina ng sasakyan ay makita niya sa labas ang papalapit na mga paparazzi bitbit ang camera ng mga ito na nagkikislapan. Napaatras siya sa gulat kahit na tinted ang mga salamin ng sasakyan. Napalingon siya kay Brad nang tumawa ito. “Ganyan talaga ang mga `yan. Parang mga hayok. Imagine-in mo na lang kung gaano mas kahayok ang mga paparazzi na nakabantay kay Anje ngayon,” sabi pa nito. Pagkatapos ay pinaharurot na nito palabas ng parking lot ang sasakyan nito. Hinabol sila ng mga

