DAMN. Napatiim-bagang si Ted nang sa hindi na niya mabilang na beses ay hindi niya natawagan si Anje. Nakapatay ang cell phone nito. Hindi tuloy siya mapakali. Hindi niya alam kung ayos lang ba ito. Bakit hindi man lang siya nito tinawagan? Tumunog ang telepono sa suite niya dahilan kaya nabaling doon ang atensiyon niya. huminga siya nang malalim bago sinagot ang tawag. “Yes?” Tulad ng hula niya ay mula sa reception ang tawag. “Mr. Baldemar, there are more press people in here now,” pagbibigay impormasyon nito. Napamura na naman siya sa isip niya. “Don’t let them enter, please,” sabi niya. “We’ll try our best, Sir.” Nang mawala na ito sa linya ay pumikit siya nang mariin. Pagkatapos ay dumilat uli siya at sumulyap sa nakabukas niyang laptop kung saan nakabukas iyon sa Yahoo! Web site

