HINDI agad nakabalik sa party sina Anje at Ted dahil tila ayaw nilang tumigil sa paghalik sa isa’t isa. Si Ted pa nga ang unang pumutol sa halik na iyon sa labis niyang pagkapahiya. Sinamahan siya nito patungo sa pinakamalapit na washroom upang ayusin ang natanggal na lipstick niya. Pagkalabas niya ng washroom ay nakita niya itong pinupunasan ang mga labi nitong nabahiran din ng lipstick niya. Nag-init ang mga pisngi niya nang mapahinto pa ito sa ginagawa nito at tumingin sa kanya. Ngumiti ito. “Ready?” tanong nito. Tumango si Anje. Pagkatapos ay lumapit siya at kinuha niya ang tissue na hawak nito. “Ikaw hindi pa,” wika niya. Pinunasan niya ang parte ng mga labi nito na may bakas pa ng lipstick. Tinitigan siya nito at ngumisi. Kumikislap ang mga mata nito sa paraang noon lang nito gi

