Chapter Nine

2836 Words
"KAYA PALA tinanggihan mo ang pinakilala namin sa'yo ng Daddy mo. Iyon pala'y may balak kang balikan ang Dingdong na 'yan!" galit na galit na wika ng Mommy niya. "Ilang beses ko na bang sinabi sa'yo na wala akong tiwala diyan sa lalaking 'yan! Lolokohin ka lang n'yan!" Hinilot niya ang sentido. Kaninang kanina pa siya nito sinesermunan. Pati ang kapatid niyang si Cassy na kasamang umuwi ng Ina ay napapasimangot na rin. "Mom, malaki na ako. Alam ko nang ginagawa ko. Huwag n'yo akong ipilit sa iba, dahil si Dingdong lang ang mahal ko." Depensa niya sa nobyo. "Kita mo na 'yan? Natuto ka nang sumagot ng dahil sa lalaking 'yan!" "Mom, will you stop blaming him? Walang ginagawang masama sa inyo si Dingdong. Kaya I don't see the point kung bakit ayaw ninyo sa kanya." "Basta hindi namin siya gusto para sa'yo." "Whatever you say, Mom. Pero hinding-hindi ko siya iiwan. I'm sorry. But this time, sarili ko naman ang iisipin ko. I'm done working and thinking for others. Ngayon, ako naman. This is my decision at wala ng makakapagbago niyon." Puno ng katatagang wika niya. Natahimik ito. "Ate, Mommy. Tama na 'yan, please." Pakiusap ni Cassy. "I've had enough. I need to breathe some fresh air." Aniya sabay talikod at lakad patungo sa frontdoor. "Charease, isasama ka namin sa America. Sa ayaw at sa gusto mo." Tumigil siya sa paglalakad. "I'm sorry, Mom. Pero kahit na anong gawin n'yo. Hindi ako sasama. I'll stay." Iyon lang at dumiretso na siya ng labas ng bahay. Habang naglalakad palayo ay unti-unting pumapatak ang luha niya. Hindi niya gustong kalabanin ang sariling mga magulang. Ngunit hindi na tama na pati ang t***k ng puso niya ay diktahan nito. She have a mind on her own and a heart that beats for only one person. Hindi na niya kayang malayo pang muli kay Dingdong. "Charease," Hilam ang mga matang tumingin sa lalaking minamahal at pilit na ipinaglalaban. "What happened?" nag-aalalang tanong nito. Hindi siya nagsalita. Basta na lamang siyang tumakbo palapit dito at sinubsob ang mukha sa dibdib nito. Naramdaman niya ng yakapin siya nito ng mahigpit. "They want me to stay away from you, Archie. Gusto nila akong ilayo sa'yo ulit. Ibabalik daw nila ako sa America sa ayaw at sa gusto ko." Sagot niya sa pagitan ng pagluha. Lalong humigpit ang yakap nito. "Hindi ako papayag. Hinding hindi ako papayag na ilayo ka nila sa akin muli." "Huwag mo akong ibibigay sa kanila. Mas mabuti pang mamatay na lang ako kaysa ipakasal nila ako sa iba." "Shh..." Bahagya siya nitong inilayo. Itinaas nito ang mukha niya at pinunasan ng mga daliri nito ang mga luha sa pisngi niya. "Huwag ka nang umiyak," anito. "I have an idea." "Ano 'yon?" "Basta, trust me on this. Sa gagawin natin. Hindi na nila tayo mapapaghiwalay pa." Tumango siya. "I trust you." Ngumiti ito. Pagkatapos ay kinintalan siya ng halik sa labi. "Let's go," usal nito. Magkahawak-kamay silang tumakbo palayo. "Charease! Bumalik ka dito! Saan ka pupunta?!" narinig niyang sigaw ng Mommy niya. I'm sorry, Mommy. Mahal ko kayo ni Daddy, pero mahal na mahal ko din si Dingdong. Habang-buhay na kaligayahan ko na ang nakasalalay dito. Kung ano man ang plano ng nobyo. Handa siyang sumunod dito. Huwag lamang siyang malayo dito. Si Dingdong ang lahat sa kanya. Ito ang buhay niya. Kung wala ito ay mawawalan na rin ng saysay ang buhay niya. Diyos ko, hindi naman po siguro masama kung susundin ko ang tinitibok ng puso ko. Kung isang kasalanan man itong gagawin ko. Humihingi ako ng kapatawaran N'yo. Alam kong bukod sa lahat ng taong nakakakilala sa akin. Kayo po ang higit na nakakaalam ng tunay na nilalaman ng damdamin ko... piping dalangin niya habang tumatakbo sila palayo. "I LOVE YOU, Mrs. Charease Marie Hidalgo Santos." Bulong niya sa babaeng katabi niya sa kama ngayon. They just had their honeymoon. Dahil sa pagdating na hindi inaasahan ng Ina nito. Nagkaroon sila bigla ng problema. Pilit na naman nitong nilalayo si Chacha sa kanya. Kaya ito umuwi galing sa America ay para sapilitan itong isama pabalik. At hindi na niya mapapayagan pa iyon. Nawala na sa kanya ito dati, kaya hindi na niya hahayaan pang mangyari iyon. Kaya ang tanging solusyon na naisip niya ay ang pakasalan ito sa mga oras na iyon. Sa tulong na rin ng mga barkada niya. Lumapit sila sa Ama ni Leo na isang judge. At agad na nagpakasal ng mga oras na iyon. Witness nila ang mga kaibigan. At ang kapatid ni Chacha na si Cassy, na palihim pang tumakas para lang makarating. Wala silang pagsidlan ng kaligayahan. Noon pa man ay alam na niyang ito ang babaeng pakakasalan niya. Hindi man naging madali ang relasyon nila. Ang importante sa kanya ay hindi na ito mawawala pa sa kanya. "I love you so much, Archie." Usal nito. Pagkatapos nilang maikasal ay inuwi niya ang asawa sa mansiyon nila. Gulat na gulat man sa ibinalita ay ikinatuwa rin iyon ng abuelo niya. Siyempre, ang pinsan niya at bestfriend ni Chacha na si Panyang. Muli ay naglapat ang mga labi nila. At sa ikalawang pagkakataon. Pinagsaluhan nila ang mga tamis na kanilang pag-ibig. Pinatunayan nila sa isa't isa na simula sa araw na iyon. Sila ay magiging isa. At hanggang kamatayan, ay magmamahalan. "SAAN KA nanggaling? Ilang araw kang nawala. Ang akala ko'y hindi ka na babalik." Galit na salubong sa kanya ng Ina. Lalo itong sumimangot nang makitang kasama niya si Dingdong. Matapos nilang maikasal, tatlong araw na ang nakakalipas ay sa mansiyon siya inuwi ng asawa niya. Pagkatapos ay pumunta sila sa Batangas para doon ituloy ang honeymoon. At ngayon umaga, pagbalik nila. Nagdesisyon sila na harapin ang Ina nito. "Anong ginagawa ng lalaking 'yan dito? Ang sabi ko sa'yo ay iwanan mo na 'yan." Dugtong nito. "Ang tigas na talaga ng ulo mo!" Nagkatinginan sila ng asawa niya at ni Cassy. Hinarap ng Ina si Dingdong. "Ikaw lalaki ka? Bakit ba ayaw mong tantanan ang anak ko? Ang kapal talaga ng mukha mo! Alam mo ng ayaw ka namin para sa kanya. Pero nagpupumilit ka pa rin!" pang-iinsulto nito. "Mommy!" saway niya. "No, babe. Akong magsasalita sa Mommy mo." Pigil sa kanya ni Dingdong. "Mahal ko po ang anak n'yo. At kahit na mailayo n'yo siya sa akin ngayon. I'll do anything in my power just to have her back." Puno ng sinseridad na wika nito. "Aba't—" "Wala ka ng magagawa pa, Mommy. Hindi mo na kami mapapahiwalay pa. Dahil nagpakasal na kami three days ago." Aniya. Natutop ng Ina ang bibig. Bigla ay umigkas ang palad nito sa kanyang pisngi at sinampal siya ng malakas. Namula ang pisngi niya. "Suwail!" sigaw nito. Napigilan ito ni Cassy ng muli sana siyang sasampalin. Samantalang si Dingdong ay itinago siya sa likuran nito. Hinaplos nito ang pisngi niyang namumula. "Ikaw! Ikaw ang may kasalanan nitong lahat! Nilason mo ang isip ng anak ko!" baling nito kay Dingdong. "Stop it Mom!" sigaw ni Cassy. "Huwag kang makikisali dito, Cassy!" saway ng Ina. "Tama na Mommy," aniyang umiiyak. "Tama na po... tama na ang pagdidikta ninyo sa buhay namin. May sarili na kaming mga isip. Hindi ninyo puwedeng diktahan kung sino ang mamahalin namin. Mahal ko si Dingdong, at siya ang buhay ko. Ikamamatay ko kapag nawala siya." Natahimik ang Ina. Unti-unti ay bumagsak ang mga luha nito. "Ang gusto ko lang naman ay maging masaya kayo." Anito. "Mom, sino ba ang may sabi na hindi ako masaya?" sagot niya. "Masaya ako kapag kasama ko si Dingdong. At mas lalo akong sasaya kung matatanggap n'yo ang asawa ko." Tumalikod ito. "Kung ganoon pala ay wala na akong magagawa pa." Iyon lang sinabi nito at pumasok na ito sa silid na inookupahan nito. Niyakap siya ng asawa. Kasabay ng pagtalikod ng kanyang Ina. Sana'y kasama noon ang pagtanggap nito sa lalaking minamahal niya. "Tahan na, babe. Everything will be alright now." Bulong nito sa kanya. Tumango siya. Dalangin niya na sana'y maging maayos na ang relasyon nila ng mga magulang niya. "GRABE! NAKAKA-LHORKY! Ang bongga naman ng love story n'yong dalawa! Against all odds!" ani Olay. Napangiti sila ni Dingdong. Masaya ang mga kaibigan nila na marinig ang biglaang pagpapakasal nila. Pero marami ang nagulat, dahil ang ine-expect nila ay si Panyang ang unang ikakasal sa kanilang magkakaibigan. "At least, 'di ba? tapos na ang problema n'yo." Komento naman ni Madi. "Mabuti na lang sa wakas ay naintindihan na ni Mommy ang lahat." Dagdag ni Cassy. Matapos nilang humarap sa Ina pagkatapos ng kasal nila ni Dingdong ay nagpasya itong bumalik na sa America. Samantalang, si Cassy ay nagdesisyon na manatili dito. Ayaw na rin daw nito doon. Mas gusto daw nitong dito mag-trabaho. Alam niyang masama pa rin ang loob ng mga magulang niya sa naging desisyon niya. Pero alam niyang darating din ang panahon na mauunawaan ng mga ito ang lahat. "Hay... ang akala ko pa naman ako ang unang maikakasal." Buntong-hininga ni Panyang sabay ngisi. "Pero siyempre, okay lang 'yon. At least, talagang pamilya na kami ng bestfriend ko." "Thank you sa lahat ng suporta n'yo." Aniya. "Chacha, kaibigan mo kami. Kung saan ka masaya, doon kami." Sagot ni Allie. Sumulyap siya sa asawa niya na ngayon ay ka-kumpulan ng ibang Tanangco Boys. Nakatingin ito sa kanya. Bahagya pa nitong tinaas ang hawak nitong wine glass saka siya kinindatan. Kinilig siya sa ginawi nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na kasal na sila. Natupad na ang pangarap niya. Ang makasama at ikasal sa lalaking minamahal. Isang matamis na ngiti ang tinugon niya dito. "Let's go, ikutin natin ang buong gallery. Magaganda ang mga paintings ni Jared. I'm sure, marami ang magbi-bid para dito." Ani Allie. "Yeah, I love his paintings." Sang-ayon niya. Mayamaya pa ay nakasalubong nila ang may pakana ng exhibit na iyon. Si Jared. "Wow, you all look gorgeous tonight ladies." Puri nito. "Thanks," usal niya. Binalingan siya nito at binuka ang mga bisig. Nakuha niya ang ibig nitong sabihin. Lumapit siya dito at saka niyakap ito. Jared is such a brother to her. "Congrats Chacha! I'm sure masayang-masaya kayo ng kaibigan ko." Anito. "Thanks Jared! You have no idea how happy we are." Sagot niya. "By the way, congratulations dito exhibit mo. Successful." "Salamat," anito. Wearing their beautiful evening gowns. Naglibot sila sa buong gallery para tingnan ang mga obra maestro ni Jared. "Kumusta na ang napakaganda kong asawa?" biglang bulong sa kanya ni Dingdong sabay hawak sa beywang niya. "I'm okay." Sagot niya. Hinalikan pa siya nito sa pisngi. "Kapag may lumapit sa'yo at nagpakilala. I-bandera mo sa mukha nila ang singsing mo." Wika ni Dingdong. Tiningnan niya ang white-gold wedding ring nila. Nangako rin ito na magpapakasal sila sa simbahan. Kung siya ang tatanungin ay hindi na kailangan pa 'yon. Ang importante ay kasal na sila. Ang kaso'y ayaw pumayag ng Lolo nito. Kailangan daw ay may church wedding. "Don't worry, iyan na nga ang ginagawa ko." Aniya. "Ibig sabihin ay may lumalapit nga sa'yo." "Pinsan, what do you expect? Super ganda ng misis mo. Kahit sinong lalaki ay magugustuhan siya." Ani Panyang. "Kung ganoon pala, hindi dapat ako umalis sa tabi mo." Marahan niyang pinisil ang ilong nito. "Oo nga. Ikaw kasi kung sinu-sino ang nilalapitan mo." "Babe, business associates ko sila. Hindi puwedeng hindi ko sila lapitan." Paliwanag nito. Mayamaya ay may lumapit na mag-asawang may edad na sa kanila. "Archie," tawag ng matandang lalaki sa asawa niya. Agad na ngumiti ito sa mag-asawa. "Mr. and Mrs. Marcelo. Kumusta po?" nakipag-kamay ito sa bagong dating. "We're fine. How's DigiCom International? I've been hearing good news about your company." Ani Mr. Marcelo. "Oh geez, thanks! DigiCom is in good condition. Tumataas ang sales namin every month. Especially kapag may bagong model ng phone na lumalabas." Paliwanag niya. Sumulyap sa kanya si Mrs. Marcelo. Nahalata yata ito ni Dingdong. "By the way, I'd like you to meet my wife. Charease." Pagpapakilala sa kanya nito. Kinamayan niya ang mag-asawa. "What a beautiful young lady," puri sa kanya ni Mrs. Marcelo. "Thank you po." "Bakit hindi namin alam na kinasal ka na? Hindi mo man lang kami inimbitahan." Ani Mr. Marcelo. "It's a long story. Biglaan po kasi. But don't worry, a church wedding is coming." Paliwanag ni Dingdong. Sa tagpong iyon ay biglang sumulpot sa kung saan si Laurie. "Church Wedding? Natin?" Nagkatinginan ang mag-asawang Marcelo. Pati na rin silang mga naroroon. "What the hell are you doing, Laurie?" salubong ang mga kilay na tanong ni Jared. Hindi nito inintindi si Jared. Sa halip ay nagpatuloy ito. "Hi Archie, hindi mo man lang ba ako ipapakilala sa mga kaibigan mo? As your fiancé." "Huwag kang gumawa ng gulo dito, Laurie. Mahiya ka naman." Ani Dingdong. "Ikaw ang dapat mahiya! Pagkatapos ng mga nangyari sa atin sa Singapore! Bigla mo na lang akong iiwan doon." Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Tama ba ang pagkakarinig niya? May nangyari dito at sa asawa niya? Bigla ay nag-flash back ang lahat ng napansin niyang kakaiba kay Dingdong nang bumalik ito galing sa Singapore. "What's the meaning of this?" naguguluhang tanong niya kay Dingdong. "Babe, don't listen to her. Sa akin ka makinig. I can explain." "Gusto mo talagang malaman ang nangyari? Sinundan ko siya sa Singapore. Nag-usap kami, nagkainuman at ng malasing. We ended up in bed." Singit nito. Gustong sumabog ng tenga niya matapos marinig ang mga sinabi nito. Kaya pala pagkagaling nito sa nasabing conference ay para itong balisa at hindi mapakali. "He even proposed to me. See?" dagdag nito sabay pakita sa kanila ng suot nitong diamond ring. Gusto niyang himatayin sa nakita. Ito ang nakita niyang diamond ring sa loob ng drawer sa opisina nito. Hindi niya makakalimutan iyon. "You liar," bulong niya ngunit may galit sa asawa. "No, no! huwag kang makinig sa babaeng 'yan!" He held her face and look her in the eyes. "Hindi totoo ang sinasabi n'ya. Aaminin ko, sinubukan niya akong i-seduce. But..." Pumatak ang mga luha niya. "You lied to me!" sansala niya sa sinasabi nito. "Bakit hindi mo sinabi sa akin agad? Kung talagang walang nangyari sa inyo." "Dahil natakot ako sa puwede mong maging reaksiyon. Ayokong masaktan ka." "At ano sa tingin mong nararamdaman ko ngayon? Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan?" "Charease, God knows walang nangyari sa amin ng babaeng 'yan. She's lying!" "Pero iyong singsing. I saw that in your drawer. Bakit na sa kanya?" tanong niya na nagsisimula nang maguluhan. "Hindi ko alam kung paano napunta iyan sa kanya." "Ang lakas mo kasing mangarap eh. Ang akala mo ikaw ang pakakasalan ni Archie. Let me tell you, laruan ka lang niya. Dahil ang totoo, ako ang mahal niya at pakakasalan niya." Nakahalukipkip pang sabi ni Laurie habang nakataas ang kilay. Tuluyan nang humulagpos ang pasensiya niya dito. Tinulak niya palayo si Dingdong saka nilapitan ang babae. "Guess what you lying b***h?" aniya dito sabay taas ng kaliwang kamay niya. Pinagduldulan niya sa mukha nito ang wedding ring niyang suot. "We just got married three days ago. Kaya sino ngayon ang malakas mangarap sa ating dalawa!" Kitang-kita niya nang mamutla ang babae. "No!" sigaw nito. "Yes!" sabay-sabay na sagot nila Panyang. "Hindi ko alam kung paanong nangyari na nakuha mo ang singsing na 'yan." Aniya na ang tinutukoy ay ang diamond ring. "Pero sa'yo na 'yan. Remembrance namin sa'yo sa kahibangan mo. And I want you to leave my husband alone. Dahil kapag lumapit ka pa ulit sa amin at nanggulo. Hindi ko na alam kung anong puwede kong gawin sa'yo." "Tama!" pang-aasar pa ni Olay. "Shut up!!!" sigaw ni Laurie dito. "Ay! Mahadera ka talagang bakla ka! Halika dito at nang manghiram ka ng mukha sa pittbull!" Napaatras si Laurie. "I hate you all!" sigaw pa nito sabay takbo palabas ng gallery. "Eh ano naman! Hate ka rin naman namin," ani pa ni Panyang. Sinunod niyang hinarap ang asawa. "Babe, please. Mag-usap tayo." Ani Dingdong na nagmamakaawa. Ramdam niya ang sakit sa kanyang dibdib. Paano nagawang mag-sinungaling sa kanya ng asawa? Bakit kailangan pang magkaganito kung kailan kasal na sila? Napuno ng sama ng loob ang puso niya. At sa ngayon, wala siyang gustong gawin ay umalis sa lugar na iyon at mapag-isa. "Babe, kausapin mo naman ako." Patuloy nito. Hinawakan pa siya nito sa dalawang kamay. "Leave me alone, Archie. Iyon ang gusto kong gawin mo." Aniya. "Wait!" sinubukan pa nitong pigilan siya sa braso pero agad naman niyang binawi iyon. Sabay lakad ng mabilis palabas ng gallery. Agad niyang pinara ang taxi na una niyang makitang bakante. Habang nasa loob ng sasakyan ay hindi pa rin tumitigil ang pagpatak ng mga luha niya. Ito pa ba ang makukuha niya? Matapos niyang piliin ito kaysa sa magulang niya? Pinilig niya ang ulo. Hindi. Ayaw niyang pagsisihan ang desisyon niya. Mahal na mahal pa rin niya si Dingdong. Iyon lang, nasaktan siya ng labis ng dahil sa pagsisinungaling nito. At sa ngayon, ang kailangan muna niya ay ang mapag-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD