Chapter Six

2972 Words
ARAW NG KAPISTAHAN sa Barangay Buting. Abalang-abala ang mga tao sa masayang araw na iyon. Siya at si Panyang ay hindi na muna nagbukas ng Shop nila. Naroon sila sa bubungan ng tindahan ni Olay at nag-aabangan sa isang malaking prusisiyon ulit. Pero sa pagkakataong ito, ang Patron ni San Guillermo ang ipu-prusisyon nila at isasayaw habang naglalakad. At bilang pakikiisa sa tradisyon. Maghahagis sila ng mga tsitsirya sa mga sumama sa prusisyon. Kasama ni Chacha sina Olay, Panyang at Madi. Mayamaya ay natanaw na nila ang hinihintay. Nangunguna dito ang drum and lyre at ang majorettes. Saglit ay nakalimutan ni Chacha ang lahat ng alalahanin habang pinapanood ang mga tao na buhat ang santo at sumasayaw sa tugtog ng drum and lyre. Sumisigaw pa ang mga ito. Nang tumapat sa kanila ang prusisyon ay naghagis na sila ng mga pagkain. Hindi magkamayaw ang mga tao sa pagsalo ng mga hinahagis nila. "Ang saya, no?" ani Panyang. "Oo nga, hinding hindi ko ipagpapalit ang masayang fiesta dito sa atin." Sagot niya nang may ngiti sa labi. "Eh ang puso mo? Masaya na rin ba?" Napalis ang mga ngiti niya sa labi. Dahil sa totoo lang, hindi pa rin masaya ang puso niya. Tatlong araw na yatang hindi sila nag-uusap ni Dingdong. Matapos ang komprontasyon nila noong isang araw. Sinubukan niyang kalimutan ang binata. Ayaw na niyang muli pang umasa na maibabalik pa nila ang mga panahon na nawala sa kanila. Nakalimutan niya. Marami nga pala ang maaaring mangyari sa loob lang ng isang segundo. Ang isang taon pa kaya. "Magiging masaya din ako, Best." Sagot niya. Ngumiti ito. "You can do it. Kilala kita, you're a tough girl." "Hoy mga bakla! Mamaya na ang emote-emotan n'yo. Bumaba na muna tayo." Singit ni Olay. "Oo na nga bakla!" biro ni Panyang dito. Naunang bumaba si Olay gamit nila ang wooden ladder na nakapuwesto sa may gilid ng tindahan nito. Sumunod naman si Panyang. Si Madi at siya ang pinakahuli. Habang nasa kalagitnaan siya ng pagbaba niya ng hagdan. Dumating ang lalaking pilit niyang iniwasan at kinakalimutan. At dahil natulala siya at nanatiling nakatingin sa bagong dating. Nadulas siya nang akma siyang tatapak sa susunod na baitang. Napahiyaw siya ng wala sa oras. Hanggang sa namalayan na lang niya na nasa tabi na niya agad si Dingdong at hawak siya nito sa beywang. Napatitig siya sa mga mata nito. Parang may mga anghel siyang narinig na nagkantahan. "Are you okay?" halos pabulong na tanong nito. Bigla ay natauhan siya. Tumango lang siya. "Salamat," usal niya. Pagkatapos ay mabilis na tumalikod at naglakad papasok ng bahay ni Olay. "Charease, wait. Let's talk." Habol nito sa kanya. Hindi niya inintindi ito. Nagkunwari siyang walang narinig. Malapit na siya sa pintuan ng bahay ni Olay nang maabutan siya nito at hablutin sa braso. "Will you please stop?" "Ano pa bang gusto mo?" asik niya dito. "Let's talk," sabi nito. "Archie, you already have that girl. What else do you want from me? Hindi naman ako manggugulo sa inyo." Aniya. "It's not that. Mag-usap tayo. Marami akong gustong sabihin sa'yo. Malaman mo. Hindi tayo nagkakaintindihan eh." "Ano pa bang dapat kong maintidihan? Ayoko nang umasa. Nasaktan kita noon, Oo. Inaamin ko. Nagkamali ako ng desisyon na i-give up ka. But I already suffered from my own mistake. Ngayon pagbalik ko, may isa nang... What's the name of that girl?" "Laurie," singit ni Jared. "Laurie sa buhay mo." Dugtong niya. "Wala kaming relasyon. It's not what you think. Siya ang lumalapit sa akin. Yeah, I admit. I dated her. Pero hanggang doon lang 'yun." Nagsisimula na siyang mainis. Bakit ba kailangan pa nitong mag-explain sa kanya? Kung tutuusin, hindi na niya saklaw pa ang personal na buhay nito. "Hindi mo obligasyong mag-explain sa akin. Wala tayong relasyon." "But I want to explain . At kasalanan mo ang lahat nang ito. I told youdo not make me fall for you again. Dahil hindi na kita papakawalan. Sinabihan na kitang layuan mo ako." "I did. Nilayuan kita. Pero ikaw ngayon ang nagpupumilit na lumapit sa akin. Actually, alam mo? Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa'yo. Ikaw ang nagpapagulo ng sitwasyon eh." Naiinis nang wika niya. "Come back to me, Charease. Iyon ang gusto kong gawin mo." "Why? Why are you doing this to me? Huwag mo na akong pahirapan pa. Ayokong makasakit ng ibang tao." Naiiyak niyang tugon dito. "Wala kang masasaktan. Uulitin ko, wala kaming relasyon ni Laurie. Ikaw. Ikaw pa rin ang mahal ko hanggang ngayon. At kahit kailan, hindi kita nakalimutan. Ikaw lang ang minahal ko. Bumalik ka na sa akin. Hindi ko na kakayanin pa ng wala ka." Tumulo ang mga luha niya. "Save it, Archie. I wanted to believe you. Pero nahihirapan ako. Natatakot akong mauwi na naman sa wala ang lahat. Baka may isang Laurie o kung sino na naman ang mamagitan sa atin. Ayokong mabuhay na umaasa and then, at the end. Masasaktan lang tayo pareho." "Please, I still love you." Hindi na siya sumagot pa. Tuluyan na siyang tumalikod at pumasok sa loob ng bahay ni Olay. I also still love you, Archie. Kahit na malungkot ay pinilit niyang maging masaya para sa ipinadiriwang nilang kapistahan. Kahit na ang totoo'y umiiyak ang puso niya. BINUHOS ni Dingdong ang galit at frustration sa paglalaro ng basketball. Halos lahat ng mga kalaban niya ay hindi sadyang nasisiko niya o kaya ay nababangga niya ng malakas, kaya napapaupo ito. "Timeout!" sigaw ni Vanni. Nagsitigil sa paglalaro ang lahat bago lumapit sa gilid ng court at umupo. Siya naman ay tahimik lang na kinuha ang bottled water at tinungga iyon. Hindi pa rin siya umiimik. Napasulyap siya sa mga kasamahan ng mapansin na sa kanya halos nakatitig ang mga ito. "What?" tanong niya na salubong pa rin ang mga kilay. "Pare, alam namin na badtrip ka. Pero hindi kami ang kaaway mo. Kaya huwag mo sa amin ibaling ang sama ng loob mo." Lakas-loob na sabi ni Ken. "Oo nga, 'dong. Langya! Ilang beses mo rin akong nasiko sa dibdib." Reklamo ni Humphrey. "Ako nga nabalya mo." Dagdag naman ni Darrel. Napapikit siya at napailing. "Pasensiya na Pare, hindi ko namalayan 'yon." Hinging-paumanhin niya. "Ano ba kasing ikinaba-badtrip mo?" tanong ni Roy. Hindi siya sumagot. Sa halip ay humiga siya sa hilera ng mga upuan. Habang nakatitig sa kisame ng covered court. He imagined Charease's face smiling at him. He missed her. Isang linggo na rin halos siyang hindi kinakausap ng dalaga. He tried talking to her. Pero mailap talaga ito. Maging sa trabaho ay hindi na siya masyadong makapag-concentrate. Tanging ito lamang ang laman ng kanyang isipan. "I want her back, Pare." Mahinang usal niya. "Sinasabi na nga ba eh." Ani Justin. "Are you really that in love with her?" naniniguradong tanong ni Jared. "Yes." Bumuntong-hininga siya. "I actually, never stop loving her. I didn't move on because I don't want to. Siya lang ang gusto kong makasama habang buhay." "Paano ngayon 'yan? Ni ayaw ka n'yang kausapin. Anong gagawin mo?" tanong Humphrey. Bumangon siya at muling naupo. He leaned forward and rest his elbows on his knees. Bahagya niyang hinilot ang magkabilang sentido. Sumasakit na rin ang ulo niya kakaisip kung paano makakausap at makikinig sa kanya si Chacha. Pati sa gabi ay hindi na rin halos siya makatulog. "I don't know what to do anymore. Ayoko naman siyang i-give up. She's all I've got." He confessed. "Then show her you still love her. Pursue her. Patunayan mo sa kanya na siya talaga ang mahal mo." Biglang sabi ni Leo. Kagaya ng dati ay lagi itong tahimik at tila malalim ang iniisip. Kaya madalas na lang silang magugulat kapag nagsasalita ito at nagko-komento sa kung ano mang topic nila. Kagaya ngayon. "Oh? Nandiyan ka pala, Pare. Pambihira! Hindi ka namin ramdam eh." Biro dito ni Ken. Hindi ito kumibo. Tiningnan lang nito ang huli pagkatapos ay kinuha ang bola at nagdribol habang nakaupo. "Damn!" he sighed in frustration. "Hindi ko na alam kung anong klaseng pakiusap pa ang gagawin ko." Naupo sa tabi niya si Roy. "Pare, just be the real Archie Dhing Santos. Use your charm." Payo nito. "Remember, Valentine's Day is coming. Plan something for her. Iyong tipong, you'll melt her heart to the point that you'll win her back." Dagdag pa ni Vanni. Nagliwanag ang mukha niya. May sumibol na kung anong mumunting pag-asa sa dibdib niya. Nawala ang bigat na kanina ay dala-dala niya sa puso niya. Napangiti siya at isa-isang inapiran ang mga kaibigan. "Salamat, Mga Pare!" aniya. "Nah! Don't mention it." Sagot ni Jared. "Game na ulit!" sigaw ni Justin. Naging maganda na ang mood niya sa buong durasyon ng paglalaro niya ng basketball. Gagawin niyang lahat bumalik lang si Chacha sa buhay niya. Minsan nang nawala ito sa buhay niya, at wala siyang nagawa noon. Kaya hindi na niya hahayaan pang mangyari iyon. VALENTINE'S DAY... Abala si Chacha sa pag-aayos ng mga bagong dating na items ng paninda niya. Sa totoo lang, pinipilit lang niyang abalahin na lang ang sarili. Ayaw niyang makaramdam ng inggit dahil lang Valentine's day ngayon. This is supposed to be a special day for her. Pero wala siyang ka-date. Ang taong gusto sana niyang makasama ay ni ayaw niyang makausap. Hindi niya napigilan na magalit dito. Dahil pakiramdam niya ay pinaglaruan siya nito at pinagsabay sila ni Laurie. Pero sa kabila noon, ayaw naman magpapigil ng puso niyang patuloy na tumibok para dito. Bumuntong-hininga siya. Sana'y matapos na ang araw na ito. Para wala na siyang makikitang mga babaeng may bitbit na roses, stuffed toy at kung anu-ano pa na makakapag-paalala sa kanya ng Valentine's Day. "Hi Girl," bati sa kanya ni Olay pagpasok nito sa boutique niya. "Hi, musta?" ganting-bati niya. "Hay... eto, loveless. Wala pang ka-Valentine. Kainis!" reklamo nito. Pagkatapos ay tumitingin ito ng mga new items na naka-display na. Binalingan siya nito. "Eh ikaw? Anong drama mo ngayon?" Nagkibit-balikat siya. "Wala. Kung anong nakikitang mong ginagawa ko ngayon. Iyon ang drama ko." Simpleng sagot niya. "Malay mo naman may surprise si Dingdong sa'yo." Tila kinikilig na sabi nito. "Huwag na lang natin siyang pag-usapan, please." Pakiusap niya. Pabirong umismid ito saka humalukipkip. "Hmp! If I know, at the back of your mind. Sinasabi mo na sana, maalala ka ni Dingdong." "Hindi kaya!" mabilis niyang sagot. "Weh? Echosera!" Hindi na siya kumibo pa. Bumalik na lang siya sa counter at inabala ang sarili sa pag-aayos ng mga nakita niyang kalat. Ilang sandali pa ay may dumating na isang babaeng nakasuot ng pantalon at dilaw na blouse. May dala itong traveling bag. Tumayo muna ito sa harap ng boutique niya at luminga sa paligid. Saka pumasok sa loob. Tinanggal pa nito ang suot nitong sunglasses. Isa-isa nitong tiningnan ang mga naka-hanger na blouse. "Miss, itong sleeveless na blue. Bagay sa'yo." Alok ni Olay. Agad naman nitong nginitian ang huli. "Magkano?" tanong nito. Sinabi niya ang presyo ng damit na inalok dito ni Olay. "Sige, kukunin ko na 'to." Anang babae. Ngumiti pa ito sa kanya nang iabot nito ang bayad. "Here," sabi nito. "Thanks." Usal niya. Matapos niyang mailagay sa plastic ang biniling blouse ng babae ay hindi agad ito umalis. Mayamaya ay nagsalita ito. "Miss, excuse me." Anito. "Ano 'yon?" "Magtatanong lang sana ako... ah..." tila nahihiya pang sagot nito. "Sige lang, ano 'yon?" wika niya. "May alam ba kayong puwedeng mapapasukan dito sa lugar n'yo?" tanong nito. "Taga-rito ka ba?" tanong ni Olay. "Hindi eh. Dayo lang ako dito. Kailangan ko lang talaga ng trabaho eh." Sagot nito. Nagkatinginan sila ni Olay. Marahil ay pareho sila ng nasa isip. Mahirap nang magtiwala sa panahon ngayon. Kahit na babae ay nagiging mapagsamantala na rin. "May dala akong resume dito." Anito. Inalabas nito ang folder galing sa loob ng bag nito saka inabot sa kanya iyon. "Nandiyan din ang police clearance at NBI Clearance." Kinuha niya ang folder at binasa ang nilalamang mga papeles na nasa loob niyon. Hindi pa siya nangangalahati sa pagbabasa nang biglang may pumaradang isang puting Mercedes benz sa tapat ng boutique. Bumaba doon ang driver na naka-kontodo uniporme pa. Pumasok ito sa loob. Nagtaka siya nang lumapit ito sa kanya at inabot ang isang bouquet of flowers. "Miss Charease Marie Hidalgo?" anang driver. "Yes, What can I do for you?" tanong niya. "Pinapasundo po kayo ni Mr. Archie Dhing Santos." Sagot nito. Nagkatinginan sila ni Olay. "Ang sweet naman," kinikilig na wika nito. "Sumama ka na. Ako na munang bahala dito kay Miss beautiful tsaka dito sa boutique mo." Dagdag ni Olay. Nagtataka man kung saan siya dadalhin nito ay sumama na rin siya. Hindi naman siguro siya mapapahamak. After all, si Dingdong naman ang nagpapasundo sa kanya. Nagulat si Chacha nang dalhin siya sa isang park sa Makati. Ang kaso'y wala ni isang tao doon. At dahil agaw-dilim na ng mga oras na iyon. Tanging mga lampara na nakasabit sa mga puno ang ilaw. Bumaba ang driver ng sinasakyang kotse tsaka siya pinagbukas ng pinto. Punong-puno siya ng pagtataka. Ano na naman kaya ang pakulo nitong lalaking ito? tanong niya sa isip. "Ma'am, nandito na po tayo. Naghihintay po sa inyo si Mr. Santos sa loob." Anang driver. "Okay, Salamat!" usal niya. Bitbit ang isang pumpon ng bulaklak. Pumasok siya sa loob ng park. Sa pathwalk na mismong dinadaanan niya ay may mga nakakalat na white rose petals at nakasinding scented candles sa magkabilang gilid. Habang papalapit sa mismong gitna ng ng park ay kumakabog ang dibdib niya. Hindi alam ni Chacha ang naghihintay sa kanya. Wala siyang idea sa mga plano nitong si Archie Dhing. Bahagya niyang sinulyapan ang sarili. Mabuti na lamang at naisipan niyang mag-ayos ng araw na iyon. Isang floral light pink na hanggang sa itaas ng tuhod ang suot niyang palda. Puting blouse naman sa pang-itaas at pink flat shoes sa mga paa niya. Nag-suot din siya ng headband para maging presentable sa mga darating sanang customers ng boutique niya. Ngunit hindi niya akalain na may mangyayaring ganito. Ilang sandali pa ay narating na niya ang pinaka-gitnang parte ng park. Napapitlag pa siya nang biglang pumailanlang ang isang pamilyar na kanta. Automatic na napangiti siya. Hinanap ng mga mata niya ang lalaking tanging itinitibok ng kanyang puso. Sa pinaka-gitna ay mga isang wooden bench. May nakalatag doon na isang long stemmed white rose. Nilapitan niya iyon at kinuha. Dinala pa niya ang bulaklak sa kanyang ilong at inamoy iyon. "Archie," mahinang usal niya. "Happy Valentine's." Napapitlag siya. Pagharap niya ay nasa likuran na niya si Dingdong. Looking outrageuously handsome on his complete office attire. "Archie," "Hi Charease," bati nito. Nakangiti ang binata sa kanya at bahagyang lumukso ang puso niya. Lalo kasi itong nagiging guwapo kapag nakangiti ito. Isang bagay kung bakit siya in love na in love dito. He has the most gorgeous smile. "Hi, Happy Valentine's" bati din niya dito. "What's this?" "My Valentine surprise." Anito. "Hindi ka naman ganito dati," sabi niya. "I know, but people change. And I change for the better." Natawa siya. "Hindi ko talaga alam kung anong dahilan mo kung bakit kailangan pag-aksayahan mo ako ng oras mo ng ganito." "Because you'll always be special in heart." Diretso sa mga mata niya na sagot nito. Dumagundong ang kaba sa kanyang dibdib. Heto na naman ang lalaking ito. Nagpapahayag ng damdamin sa kanya. Tapos ay may isang Laurie na naman na e-entra sa buhay nila. "Archie, are you sure?" paninigurado niya. "Yes. I'll always be sure about my feelings for you. Kahit kailan ay hindi nagbago 'yon." "Pero..." "Mahal kita, Charease. Mahal na mahal pa rin kita." Wika nito. Kinuha nito ang mga bulaklak na hawak niya at nilapag iyon sa bench. Pagkatapos ay hinawakan naman nito ang dalawang kamay niya. Dinala pa nito ang mga iyon sa labi nito at kinintalan ng isang mabilis na halik. "I missed being with you, Charease. I missed everything about you. I missed you. Please, come back to me. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag hindi ka pa rin bumalik sa akin. Sa'yo umiikot ang mundo ko. Sa'yo nakasalalay ang bawat hininga ko. I am nothing without you. Kapag hindi ka pa rin bumalik sa buhay ko, I'll be living my life like hell." May kung anong mainit na pakiramdam ang humaplos sa puso niya. Binawi niya ang isang kamay saka maingat na hinaplos niya sa mukha nito. Kinapa ni Chacha ang sariling damdamin. Maging siya ay ganoon din ang nararamdaman. Nahihirapan siyang mabuhay na wala si Dingdong sa piling niya. Sa tuwina ay hinahanap-hanap niya ito. At aaminin niya na hanggang sa mga sandaling iyon. Ito pa rin ang nilalaman ng puso niya. "You don't have to live your life like hell, Archie. Hindi mo na rin kailangan pang makiusap sa akin. Because I missed you too. At hinding-hindi na ako aalis pa sa tabi mo. Dito na lang ako, kung saan ka naroroon. I promised. I won't leave you again. Dahil mahal na mahal pa rin kita. At kahit kailan ay hindi na magbabago pa ang nararamdaman kong 'yon." Lumarawan ang labis na kaligayahan sa mukha nito. She saw him as his eyes get misty. Hinila siya nito palapit dito saka niyakap ng mahigpit. "Mahal na mahal kita, Charease. Thank you." bulong nito. Naramdaman niya nang kintalan siya nito ng halik sa ulo. She smiled as tears of joy fell down on her cheeks. Gumanti siya ng yakap dito. "I love you so much too, Archie." Bulong din niya dito. Bahagya siya nitong nilayo dito. Hindi na nag-aksaya pa kahit na isang segundo ang binata. Tinawid na agad nito ang pagitan nila. And she closed her eyes as his lips touch hers. Isang patunay na magmula sa araw na iyon ay hinding-hindi na niya hahayaan pang mawala ito sa tabi niya. Muli silang nagyakap matapos ang pinagsaluhan nilang matamis na halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD