MICHELLE's POV Katutulog lamang ni baby Levi at ako naman ay nagpapahinga rito sa living room ng bahay ng pamilya Arguelles. Si Yuki ay naroon sa loob ng master's bedroom at nag-o-online live selling sa social media account nito. Naririndi na nga ang aking mga tainga dahil sa lakas ng tinig ng boses ni Yuki na umaabot hanggang dito sa sala. Kahit kailan talaga ay panira ng araw itong si Yuki. Gusto ko sanang pumunta sa bahay ni Renz ngayon ngunit hindi pwede. Maliban sa binabantayan ko si baby Levi ay wala akong katiwa-tiwala rito kay Yuki na hindi ako nito isusumbong sa mag-asawang Ian at Rannicia if ever puntahan ko si Renz sa kanyang bahay. Isa pa ay hindi magandang tingnan sa aking pagpapanggap na iniibig ko na si Ian kung pupunta pa ako sa bahay ng ibang lalaki lalo pa nga at alam

