#TPSKKabanata16 Reading OCTAVIA ‘V’ “VV…gising ka na.” Ayoko. Ayoko pa. Kung ikaw rin lang naman ang magigisingan ko, ‘wag na lang. “Please, VV–” “Did you hear what the doctor said, kid? She’s okay but she needs to rest, don’t wake her up.” “Pero Kuya–” “Stop calling me Kuya, hindi kita kapatid.” Narinig ko ang pag-ismid ng best friend ko at agad kong nakinita ang pagnguso-nguso ni Gelo kahit hindi ako dumidilat, malamang parang batang nagpapaawa na naman siya. “But I’m worried about her, Kuy–I mean best friend ni VV.” “It’s V only, not VV.” Dumilat na ako dahil baka hindi na talaga makapagtimpi si Dos at masapok na ang boyfriend–ex-boyfriend ko na nga pala. “VV!” Parang gusto ko na lang muling pumikit nang marinig ang matinis na boses ni Gelo na halos ingudngod ang mukha

