#TPSKKabanata21 Date OCTAVIA ‘V’ “D, sama ko sa opis mo. Ayaw pa rin ako papasukin ni Chief, magpahinga pa din daw ako. Ang boring naman sa apartment, saka ang init, nagtitipid ako hindi ako pwedeng mag-aircon magdamag,” saad ko napapangusong itinabi ang cellphone ko matapos mabasa ang message ni Chief. Tinaasan niya ako ng kilay. “May meeting ako–” “Doon lang naman ako sa opis mo eh! Hindi ako mang-iistorbo, promise. Tutulog lang ako doon sa kwarto, sige na. Para namang others ‘to–aray! Kanina ka pa!” hampas ko sa kamay niyang pinitik na naman ang noo ko. “Hindi mo muna kasi patapusin ang sinasabi ko, may meeting ako kaya doon ka lang talaga sa opisina ko, nagpalagay na rin ako ng tv ro’n sa kwarto. Magkulong ka na lang doon, pero may kapalit siyempre,” binaba taas niya ang kilay n

