Bakit ba wala si mommy? I need her now. Alam kong pagtutulungan nila akong tatlo mamaya. Gagawin nila akong masama kay papu, kahit sila naman ang may kasalanan! I'm on my way to papu's office. I feel something wrong, bakit parang may mangyayaring hindi maganda? Well, hindi dapat ako kabahan. Sila ang may kasalanan at nagsimula ng gulo. Kumpleto na silang tatlo ng makarating ako. Nice, parang kanina lang ang tatapang nila. Tapos ngayon parang maaamong tupa? Nakatayo lang ako sa gilid ng sofa, ayoko makatabi 'yong tatlo. Tumayo si papu mula sa pagkakaupo. "Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. I'm very disappointed to all of you." kita ko sa mata ni papu ang pagigising seryoso. Parang malungkot siya dahil sa nangyari, at ayokong nakikitang ganito si papu. Kahit na hindi kami

