DEBBIE'POV "LUNES na ulit, ang bilis ng araw!" Singhal ng pinsan ko na nasa harap ko ngayon. Kakatapos lang kasi namin mag-almusal. "Parang tinatamad ka pumasok, ha?" biro ko. Nasa banyo naman si Tita Linda kaya p'wede kami mag-asaran ng hindi mapapagalitan. Masyado kasing seryoso iyon sa ibang bagay, kailangan pag-isipan muna ang sasabihin. Huwag kayo tumulad kay Ling, kaya lang iyan napapagalitan ni tita. "Hindi naman. Nabibilisan lang ako sa araw, gusto ko pa magpahinga." Nagtatanggal pa siya ng kung ano sa ngipin niya. Pinitik pa talaga sa akin ng loka! "Kadiri ka naman!" reklamo ko. "Kahit wala naman," natatawang sagot nito. Kahit kailan talaga ang lakas nito mangtrip. Kapag inasar naman ang bilis mapikon, pareho lang naman kami. Iyan ang patunay na mag pinsan ta

