"DEBS! Oks na ba? Feeling ko hindi. Magpalit kaya ako ng pantalon? Oo, tama!"
Nakatingin lang ako kay Ling na kanina pa paikot-ikot sa harapan ko.
Para rin siyang baliw na magtatanong sa akin pero siya rin ang sasagot.
Ngayon kasi ang pasahan nila ng requirements for enrollment sa university na papasukan niya.
Pinpanuod ko lang siya hanggang sa hindi na kaya ng mata ko."Kalma nga Ling, nahihilo na ako sa ginagawa mo. Hindi rin halatang excited ka, ha. Ramdam ko pressure mo."
Tumigil siya sa ginagawa niya at umupo sa tabi ko. "Kinakabahan ako Debs," seryosong sabi nito.
Medyo natakot naman ako sa tono ng boses niya kaya napataas ako ng kilay. "Creepy mo Ling."
"Seryoso kasi Debs. Pakiramdaman mo.." kinuha niya iyong kamay ko at itinapat sa dibdib niya. "Lakas ng kabog 'di ba? Kinakabahan talaga ako."
Binawi ko iyong kamay ko at pinatong sa balikat niya. Tinignan ko siya sa mga mata. "Enhale.. Exhale.. Enhale.. Exhale.." Ginawa niya naman iyong mga sinabi ko. "Chill, magpapasa ka lang ng requirements. Hindi pa first day of school."
Kumalma naman siya. Nilabas niya iyong cellphone niya at may pinakita sa akin.
"Nagsearch kasi ako kagabi tungkol sa Intern University, tignan mo," utos niya.
Tinignan ko naman pagkatapos ay binasa. Nanlaki naman ang mata ko sa huling sentence na nabasa ko."Most expensive school in the Philippines," halos pabulong na sabi ko.
Grabe, sobrang grabe talaga!
"Nanlulumo ako Debs. Ibig sabihin mayayaman ang mga estudyante roon, pati na rin iyong mga magiging kaklase ko."
"Oks lang 'yan. Suwerte mo kaya. At huwag kang nega riyan, matalino ka kaya Ling."
Nakita ko naman na napangiti siya ng konti.
"Kahit na, nahihiya pa rin ako."
"Bakit ka naman mahihiya? Wala naman silang pakealam sa'yo.. Joke! Huwag kang mahiya, papasok ka roon para mag-aral. Kapag inuna mo ang hiya mo at hindi ka nakapag-aral lagot tayo sa mama mo. Bugbog ka talaga, tayo pala." Hindi ko siya tinatakot, totoo lahat 'yan.
Napaisip naman siya. "Oo nga 'no? Lalakasan ko na nga loob ko." Kinuha niya iyong damit na nakapatong sa higaan niya. "Bagay ba 'to sa akin?" tanong niya pa.
"Pating-----" sasagot pa lang sana ako ng magsalita siya ulit.
"Feeling ko, oo. Ito na nga lang." Tumatango-tango pa siya habang nakatingin sa damit na hawak niya.
Oh, 'di ba? Tanong niya, sagot niya. Sarap kotongan ng pinsan ko.
Hinayaan ko na lang siya at nagsimula na rin akong magbihis. Simpleng t-shirt, jeans at rubber shoes lang ang suot ko. Nilugay ko na rin iyong buhok ko at naglagay ng liptint, ang putla ko kasi.
Dahil medyo maaga pa naman, kumain muna kami kasabay ni tita Linda. Tinuro niya rin sa amin kung anong sasakyan para makarating doon.
Pagkatapos kumain ay nagpaalam na rin kami kay, gusto niya pa nga sanang ihatid kami kaya lang may trabaho siya.
At ayaw din ni Ling, may balak kasi siyang gumala kami pagkatapos niya raw magpasa ng requirements.
Goodluck na lang talaga kung saan kami makakarating dalawa.
"DITO na ba 'yon?" tanong ko kay Ling nang ibaba kami ng tricycle driver sa tapat ng isang malaking kulay blue na gate.
May tinignan naman siya sa cellphone niya. "Oo, andito na tayo."
Nakita ko naman 'yong malaking logo na may nakalagay na Intern University sa isang building sa loob.
Buti na lang nakarating kami sa pupuntahan. Salamat sa app na meron ang pinsan ko kaya malakas loob niyang gumala ng kami lang.
Lumapit kami sa guard na nagbabantay sa gate. "Goodmorning po. Magpapasa po sana ako ng requirements for enrollment." Pinakita naman ni Ling 'yong email ng university sa kaniya.
Tumango naman 'yong guard at iniscan kami ng mahabang hawak niya, hindi ko alam kung anong tawag doon. Pinalista rin 'yong pangalan namin sa isang malaking notebook. Buti na nga lang at pinapasok ako kahit hindi ako magpapasa.
Hindi ko mapigilang mamangha nang makarating kami sa malawak na quadrangle ng university.
Ang daming building! Sa gitna may mga damo at puno. May mga upuan din na tinatambayan ng mga estudyante.
Speaking of mga estudyante— ang gaganda at ang guguwapo nila! Sa mga pananamit pa lang mahahalata ng mayaman.
Sabi ni Ling enrollment ngayon kaya halos lahat ng estudyante andito.
"Parang ayoko ng mag-aral dito," bulong ni Ling, bakas sa boses niya ang kaba.
Parang nakaramdam naman ako ng hiya, napatingin pa ako sa mga suot namin.
Hindi naman ako nagpahalata kay Ling, baka lalo lang siyang panghinaan ng loob.
Sayang din kung aatras siya, baka mabugbog talaga kami ni tita.
Hinawakan ko siya sa kamay. Ang lamig ng kamay niya, "Ano ka ba, andito ka para mag-aral hindi para intindihin 'yang mga estudyante rito."
Naramdaman ko 'yong pagdiin ng pagkakahawak niya sa akin. "N-nahihiya ako Debbie, parang hindi ako bagay mag-aral dito." Ito na nga po ang sinasabi ko.
"Tumigil ka nga. Nakapasok ka rito kasi meant to be. Ibig sabihin nababagay ka rito! Mag-enroll kana nga, dami mong alam." at hinatak ko na siya bago pa kami pagtinginan.
Mukha kasi kaming tanga. Nakahinto sa gitna at nagbubulungan pa na parang bubuyog.
Napansin ko naman na bawat building pala per college, ganun! Gets niyo? Basta.
At dahil nga nag-iinarte si Ling kailangan ko pa siyang itulak. Kaya iyon, nakabangga siya ng estudyante. "S-sorry, ate," hingi niya ng paumanhin habang tinutulungan 'yong babae sa pagdampot ng mga papel na nahulog nito.
Kinakabahan ako habang nakatingin sa kanila, baka kasi masungit 'tong nakabangga namin. Patay na talaga! Baka magkatotoo iyong iniisip ko kahapon, huwag naman sana.
Ngunit kabaliktaran ng inaasahan ko ang nangyari. Nagulat ako ng ngitian kami nito, "No problem, kasalanan ko rin naman." teka, bakit ang ganda ng boses niya?
Kahit si Ling parang na-star struck din sa ganda ng babaeng nasa harap namin.
Maiksi lang ang buhok niya na hanggang balikat. Ang kinis rin ng kutis niya, ang flawless. Bumagay lang din sa kaniya 'yong pagiging slim niya. Kung titignan parang parehas lang kami ng height. Mas malaman nga lang ako sa kaniya.
"Sorry ulit, ito kasing pinsan ko," pag-uilit ni Ling at tinuro pa talaga ako.
Nakatitig lang ako sa babae. Hindi ko mapigilan, para nakakatiboom naman siya, shet.
Tumawa naman siya. "That's okay, like I said, kasalanan ko rin naman." Kahit pagtawa niya ang ganda. Baka maging tomboy na talaga ako nito!
"S-sorry." Hingi ko rin ng tawad.
Natawa siya ulit, 'yong parang pabebeng tawa pero bagay naman sa kaniya. "By the way, mag-eenroll kayo? Anong course niyo?" sunod-sunod na tanong nito.
Binangga ko pa ng mahina 'yong balikat ng Ling. Tumingin muna siya sa akin ng masama bago humarap ulit sa babae.
"Ha? Hmm, ano, bachelor of physical education."
"That's nice, ako kasi bachelor of science in entrepreneurship. Sayang, there's no possibility na maging classmate tayo." Naging malungkot 'yong tono ng boses niya.
Grabe, maganda na tapos cute pa! Naol talaga.
Napangiti naman ako ng malaman ko iyong course niya. "Galing, ganiyan din kukunin kong course," tugon ko pa.
Nanlaki 'yong mata niya. "Really? So p'wede kitang maging classmate?"
Napakamot ako ng ulo. "Hindi. Siya lang naman mag-aaral dito." pagtutukoy ko kay Ling.
Sumimangot naman siya. "Ganun. Sad naman."
Kahit hindi sabihin ni Ling alam kong naiilang na rin siya. Medyo feeling close na kasi si ateng maganda na nasa harap namin.
"Felienne!" napalingon naman kami sa pinaggalingan ng boses.
May dalawang lalaking nakatingin sa puwesto namin, mukhang mga kasama sila ng babaeng nasa harap namin.
Kumaway pa silang dalawa sa puwesto namin, naramdaman ko na lang ang paghawak ni Ling ng madiin sa kamay ko.
"Andito na pala 'yong mga bodyguards ko. Gotta go! See you next time."
Nagulat pa kami ng bigla kaming yakapin nito. Pagkatapos ay umalis na siya papunta sa dalawang lalaking tumawag sa kaniya.
Bakit ganun? Shet, ang bango niya!
Pinapanuod ko lang siyang maglakad papunta sa mga kasama niya. At Felienne? Kahit pangalan tunog maganda.
Nang makalayo na sila ay humarap ako ulit sa pinsan ko na nakangiti na ngayon.
"Grabe, Debs! Parang ginaganahan na akong mag-aral dito."
"Kasi maraming guwapo?" kahit hindi niya sagutin alam kong 'yan ang sagot.
Tumango siya bago ngumiti. "Nakita mo 'yong dalawang lalaking tumawag sa babae? Sobrang guwapo 'di ba?"
"Oo mga guwapo kaya lang mga mukhang babaero," tugon ko. Iyon kasi iyong napansin ko.
"Grabe, babaero kaagad. Judgemental ka."
"Mukha ka nga lang 'di ba?" pagdidiin ko.
"Hindi naman lahat katulad ng ex mo," bulong niya pero narinig ko naman.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Pinagsasabi mo? Si Guian guwapo? Saan banda?"
"Isang beses ko lang 'tong sasabihin. Guwapo naman talaga siya, manloloko nga lang."
"Tapos?"
"Miss mo?" pang-aasar niya.
"Kadiri ka Ling. Sakalin ko iyon sa harap mo," seryosong sagot ko.
"Joke lang." Tinawanan pa talaga ako.
Hindi ko na lang siya pinansin at binalik iyong una naming topic. "Basta 'yong babae ang ganda. Para siyang manika, tapos 'yong mata nakakaakit," sambit ko habang inaalala 'yong mukha ng babae.
Hindi naman sa natotomboy ako, ang ganda lang talaga niya.
Pinulupot ni Ling 'yong braso niya sa akin. "Tapos ang kinis 'no? Ano kayang sabon niya? Maganda na nga siya tapos ang guwapo pa ng mga kaibigan niya." Iyan naman siya sa guwapo.
Totoo lang wala namang ako pakealam sa mga lalaking iyon. Iyong Felienne lang ang umagaw ng atensyon ko.
"Bet ko talaga 'yong mata niya. Sana all talaga Ako kasi puro eye bags." Kinapa ko pa 'yong ilalim ng mata ko.
"Puro ka kasi puyat. Wala ka na ngang jowa, nagpupuyat kapa rin."
Inismiran ko siya. "Nagsalita ang may jowa, porket may kalantudan kana gumaganiyan kana!"
Tumawa lang siya. "Opkors! Tara na nga."
Pumunta na kami sa building kung saan siya magpapasa ng requirements.
Nagpa-iwan muna ako sa labas, mag-eenroll lang kasi ang p'wedeng pumasok.
Grabe, sobrang lawak ng university na 'to! Sa mga estudyante pa lang makikita mo ng para talaga sa mayayaman 'to.
Suwerte na nga lang talaga si Ling dahil nakakuha siya ng scholarship dito.
Sana lang hindi 'to katulad ng mga napapanuod kong binubully ng mga mayayaman 'yong mga hindi nila ka-level.
Nako, pag nangyari talaga 'yon! Hindi ako magdadalawang isip na sumugod dito.
Mukhang mababait naman mga estudyante rito, tulad na lang ng nakabangga namin kanina.
Grabe, hindi ako makamove-on sa ganda niya. Kumpleto siguro siya sa bakuna at vitamins nang bata pa siya. Isang sana all talaga!
Nakaramdam naman ako ng inip kaya naisipan kong maglakad-lakad muna. Nagtext din kasi si Ling na medyo mahaba pa raw ang pila.
Bawat building na madadaan ko napapa-wow ako. Walang duda, most expensive school talaga in the Philippines 'tong Intern University.
Natigilan ako sa paglalakad nang maagaw ng atensyon ko iyong mga babaeng nagkukumpulan sa gilid. Base sa mga mukha nila, para silang kinikilig na ewan.
Tumingin naman ako sa puwesto kung saan sila nakatingin. Napangiti naman ako, si Felienne at iyong mga kaibigan niya. Sobrang close nga nila sa isat-isa, ang cute ng friendship nila.
Teka nga, bakit pala sila pinapanuod ng mga babaeng 'to?
Nasagot ang tanong ko ng nagsimula ng maglapitan iyong mga babae sa puwesto nila. Lahat ng mga 'to may dalang mga regalo.
"Sikat pala sila sa university na 'to? Hindi halata."
"What did you say?"
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses, isang babae ang nasa harap ko ngayon.
Kulot ang hanggang bewang nitong buhok. Kung titignan, nagsusumigaw ang pagiging mayaman sa suot at itsura niya.
Napansin ko naman ang masamang tingin nito sa akin. "B-bakit?" nagtatakang tanong ko.
"Newbie ka rito 'no?" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa pagkatapos ay ngumisi. "Kung isa ka rin sa mga babaeng nagkakagusto kay Chadie, you better back off. Hindi ka niya magugustuhan because she's mine," dagdag nito.
Naguluhan naman ako sa pinagsasabi ni ate girl.
"Teka lang, hindi kita maintindihan."
Sarkastik na tumawa naman iyong kasama nito. Sobrang kapal ng lipstick. Palaban. "I saw you and your friend earlier, nakikipagyakapan kayo kay Felienne. So, obviously the two of you were using her para mapalapit kina Chadie at Shance."
Kumunot iyong noo ko sa mga pinagsasabi ng dalawang babae nasa harap ko. Alam ko iyong yakapan na tinutukoy nila pero iyong mapalapit keneme? Sabog ba 'tong mga 'to.
Ngumiti ako. "Hindi ko po alam kung anong sinasabi niyo. Si Felienne kilala ko, pero iyong Chadie at Shance? Sino iyon?"
Nagkatinginan sila na para bang hindi nagustuhan iyong sinabi ko.
"Oh, come on! Don't act like a fool. Marami na akong babaeng napalayas sa university na 'to. Kaya ikaw, you have two choices, stay away from them or stay away from them. Kahit kay Felienne." pagbabanta ng babaeng kulot iyong buhok.
Sa totoo lang hindi ko na alam isasagot sa babaeng 'to. Hindi ko nga kilala iyong tinutukoy niya, iisipin ko talaga trip ako ng mga 'to.
Magsasalita pa sana ako ng biglang tumili iyong babaeng makapal ang lipstick. "Why so guwapo Shane!" Alam ko na ngayon kung sino iyong mga tinutukoy nila. Tumingin siya ulit sa kasama niya. "Lets go, Kate! Don't waste your time with her. Hindi naman siya mapapansin nila Chadie, look at her, she's cheap like her bag."
Tinignan naman ni girl kulot iyong bag pagkatapos ay tumawa. "Yes you're right Lea, hindi dapat ako ma-threaten sa babaeng katulad niya. Still, gawin mo pa rin iyong sinabi ko. May hiya ka naman siguro sa katawan, I am right?"
Nang marealize ko iyong mga sinabi nila parang nagpintig iyong tenga ko lalo na sa sinabi ni girl lipstick. Cheap daw ako? Napahawak naman ako sa bag ko. Pati iyong bag ko dinamay!
"Excuse m---"
Hindi ko na natapos iyong sasabihin ko ng layasan nila akong dalawa.
Grabe, na-insulto ako ng bongga sa mga sinabi ng dalawang iyon!
Naramdaman ko na lang ang pag-vibrate ng cellphone ko kaya kaagad ko itong kinuha sa sling bag ko na sinabihan nilang cheap.
Text mula kay Ling, patapos na raw siya.
Bago ako bumalik kung saan ko siya iniwan, tumingin muna ako sa puwesto nila Felienne.
Naroon din iyong dalawang babae na tinawag akong cheap, mas cheap nga sila! Kung makapulupot sa mga lalaki wagas.
Nakaramdam naman ako ng inis kaya nagmamadali na akong umalis para balikan si Ling. Huminga pa ako ng malalim, ayokong mahalata niyang bad mood ako ngayon dahil magtatanong lang iyon at kapag nalaman niya ang nangyari sigurado akong susugod iyon dito, mas palaban pa naman sa akin iyon.
Kalma Debbie! Hindi ka naman mag-aaral dito. Kaya hindi ko na sila makikita. Imposible pa sa imposible.
Kaya lang si Ling! Kung nagawa ng mga iyon 'to sa akin baka gawin din nila sa pinsan ko.
Potek naman, hindi nga ako mag-aaral pero ako iyong naiistress! Bahala na nga si batman.