DEBBIE'POV "KUMUSTA ang pag-aaral niyo?" tanong ni Tita Linda sa amin. Kasalukuyan kaming kumakain ng almusal. "Okay naman 'ta, nag-aaral kami ng maayos ni Debs." Ngumiti naman ako sa sagot ni Ling. "Mabuti iyan. Matuto kayong pahalagaan ang mga bagay na meron kayo ngayon, hindi lahat suwerte katulad niyo. Bukod sa libre ang pag-aaral niyo, hindi pa basta-basta ang pinapasukan niyo." "Kaya nga po, sobrang suwerte namin Debs. Huwag po kayong mag-alala, hindi namin sasayangin ang opportunity na binigay sa amin." Tinignan naman ako ni Ling na para bang sinasabi na magsalita ako. Napalunok tuloy kaagad ako sa nginunguya ko. "O-opo tita, tama po si Ling. Hindi namin sasayangin ang bagay na meron kami ngayon." Nakangiti namang tumango si Tita Linda. Inutusan na niya kaming magmad

