DEBBIE'POV NAKARATING kami sa parking ng university ng magkahawak pa rin ang mga kamay. Sarap pala sa feeling, kung wala nga lang pasok, maghapon na kaming ganun. Hindi ako magsasawa, promise. Lambot pa naman ng kamay niya, daig pa ako. Nang makababa, naabutan namin si Shance na ang lapad ng ngiti habang nakatingin sa hawak niyang paper bag, parang pamilyar sa akin iyon. “Saan si Ling?” salubong ko rito. Mukhang nagulat pa siya. Masyado kasing focus sa paper bag na hawak niya kaya hindi namalayan na andito na kami ni Chadie. “Nauna na siya, kakarating niyo lang?” tanong nito. Tumango naman ako. “Oo,” maiksing sagot ko. Napangiti ako nang maalala ko na kung kanino iyong paper bag na iyon. Si Ling ang nagbigay niyan laman iyong favorite ni Shance na pagkain. Dumiretso na kam

