DEBBIE'POV KASALUKUYAN kaming naglalakad ngayon papunta sa sakayan ng jeep. Medyo maaga pa naman kasi kaya napagtripan namin maglakad. Exercise na rin, pero ang totoo para tipid pamasahe. Maaga naman kami umalis ngayon kaya hindi kami malalate, kung maglalakad kami ng ilang minuto 'di ba? Pinulupot ni Ling ang braso niya sa akin. "Seryoso ka ba kagabi, ha? Iyong babaeng nakabangga natin sa mall noon, siya rin iyong babaeng tumulak sa'yo kahapon?" tanong pa nito. Kagabi ko pa kinuwento sa kaniya iyan, pero hanggang ngayon hindi pa rin nakakamove on. Tumango ako. "Kaya nga inaawat kita kahapon 'di ba? Hindi ka naman nagpapaawat." "Nakakainis kasi naman talaga 'no! Tinulak ka ba naman? Kung siya kaya ang itulak ko para malaman niya." "Sige, para madagdagan kasalanan mo. Mabuti n

