ANALIE'POV ISANG buntong hininga ang pinakawalan ko nang tumunog na ang bell. Ibig sabihin time na at vacant na namin. Sa wakas! Bukod kasi sa inaantok na ako sa klase ay gutom na rin ako. Hindi kasi ako nakapag-almusal bago pumasok. Late na kasi na kami nagising ni Debs dahil napuyat kami sa kuwentuhan namin na walang katapusan. Speaking of Debbie, galing siya kanina rito. Sinamahan siya ni Ling magtour. Gusto ko nga sana sumama kaya lang may klase ako, hindi naman p'wede mag skip. Scholarship ako tapos ganun? Sure akong nakauwi na iyon si Debs. Masaya ako para sa pinsan ko, at least makakasama ko na siya sa university. Mabilis ko ng inayos iyong mga gamit ko at nagmamadaling lumabas ng room. Masama rin kasi iyong tingin sa akin ng iba kong classmate na babae. Wala naman akong gi

