ANALIE’POV “MARAMING salamat, ha? Dapat hindi mo na kami hinatid,” nahihiyang sabi ni Debs. Tumango naman ako. “Oo nga. Nakakahiya naman sa’yo.” Tinaasan kami ng kilay ni Fe. “Para naman kayong others. Tigilan niyo nga iyang hiya na iyan! Hindi ko na nga kayo nahahatid at nasusundo kasi inuunahan ako lagi ng dalawa.” Nagulat naman ako. “Sabi nila utos mo iyon?” Napairap naman siya. “Hindi ‘no. Si Chadie may gusto, support naman siya ni Shance. Mas okay na iyon, atleast hindi na kayo nagcocomute.” Sabagay, laki na nga ng naiipon ko dahil sa kanilang sa libreang sakay. Kahit na nakakasira ng araw iyong driver ko, okay na rin iyon. Hanggang sa nagpaalam na nga si Fe. Sumakay na siya ng kotse. “Ingat ka, Fe! Pakisabi sa parents mo maraming salamat,” paalam ni Debs. “Oo nga, sa

