DEBBIE'POV NAKATINGIN lang ako kay Chadie Hanggang sa makaakyat na siya. Gusto kong matawa hindi dahil nakakatawa talaga siya kundi, sobrang cute niya! Hindi dahil wala siyang suot na damit, ha? Hindi naman ako tumingin. Sa pajama niya napako ang atensyon ko, mahilig siguro siya sa doraemon. Nanunuod din ako niyan noong bata pa kami ni Ling, isa iyan sa favorite namin na cartoon. "Baka mapunit na iyong labi mo sa ngiti, Debs." Bumalik ako sa kasalukuyan nang banggain ni Ling iyong braso ko pero mahina lang naman. "For sure, nagtitili na siya sa room niya dahil sa kahihiyan," natatawang komento naman ni Fe. "Ganiyan talaga ang kapatid ko Debbie. Maloko at malakas mang-asar pero mahilig sa doraemon," sambit naman ng ate ni Chadie. Tuluyan na akong natawa pero mahina lang, yu

