"Bakit ba hindi sila naniniwala na anak mo ito?" nahihikbi niyang sambit habang nakasubsob sa dibdib ni Raymond. Lalo lang humigpit ang yakap nito sa kanya habang hinahaplos ang kanyang buhok. "Ganoon lang talaga si daddy, pagpasensyahan mo na," lambing nitong bulong. "Ano bang gusto niya, bakit niya ito ginagawa. Akala ko sabi mo ayos na ang lahat?" hagulgol niya na lang dito. "He's planning on disowning me," tuwid nitong sambit. Napatigil si Sheryll bigla sa nadinig, napatingin na lang siya sa lalake habang bahagyang lumalayo dito. Pansin niya ang kakaibang pait sa mukha nito, kaya naman tuluyan na siyang napabitaw sa hapdi ng nadarama, parang unti-unting tinutusok ang kanyang dibdib sa nalaman. Napabaling na lang si Raymond sa kanya, kunot ang noo at napuno ng pagtataka sa bigla

