Yielding

1642 Words

"Got to go sweety." Tayo kaagad ni Raymond sa upuan nang makita nitong papaalis na ang ama. Dali-dali na lang itong nagpunas ng bibig at humabol pa ng paghigop sa mainit nitong kape. "Ingat." Ngiti niya na lang na paalam dito. "I'll see you later." Mabilisan itong humalik sa kanyang noo bago nagmamadaling tumakbo pahabol sa ama. Napatigil na lamang siya sa pagkain nang magsimula nanaman na magligpit ang mga kasambahay doon. Wala na siyang nagawa kung hindi ang tumigil na sa pagkain kahit nagugutom pa siya, minabuti niya na lamang na tumayo na rin, upang mas makakilos na ang mga ito. "Ate, pwede po bang makahingi pa ng gatas?" pahabol niya na lamang sa isang kasambahay. "Mam, wala na po tayong gatas, hindi pa po kasi nagpapa-grocery si sir," saad nito na hindi man lang siya nilingon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD