"Sheryll, balita ko ikaw na raw ang bagong sekretary ni Mr. Tejano," pansin ng isa sa mga ka opisina. Abala na siyang nag-iimpake ng mga gamit para sa paglipat sa mas mataas na palapag dahil naroon ang bago niyang lamesa. "Oo," kunot noo niyang saad. "Jusko, ang malas mo naman talaga oh!" nguso nito sa kanya. Napakunot na lang tuloy siya ng noo. "Huh, bakit naman?" "Napaka perfectionist daw noon, kaya walang tumatagal na secretary, balita ko nga pang labing siyam niya na iyong kakaresign lang," pagpapaalam nito. Doon niya lang napagtanto ang mga nangyayari, ang dahilan sa likod ng biglaan paglilipat sa kanya ng boss niya at ang kakatwang ngisi ng sekretarya nito. "Kaya naman pala nilipat ako doon noon dragona!" gigil niyang sambit. "Pwes, makikita natin!" taas noo niya

