Naroon ang kakatwang pakiramdam niya habang naghihintay sa may lobby ng hotel, hindi niya alam ang dahilan pero kanina pa siya aligaga sa pagiging huli ni Raymond. Sa sandaling pinagsamahan nila nito ay kilala niya ang lalake at hindi niya pa naranasan na ma-late ito sa mga appointments. Nakailang tawag at text na siya na walang sagot, kaya naman mas lalo lang nadagdagan ang pangamba niya sa kung ano na bang nangyari dito. "Sister, ano ka ba! mag relax ka nga," sita na lang ni Paloma sa kanya. Kanina pa kasi siya patayotayo sa upuan sa may lobby ng hotel at sumisilip sa may elevetor, nagbabakasakali na masilayan ang lalake. "Hindi ko kasi siya makontak," malungkot na saad niya na lang sa kaibigan. "Baka naman nasa meeting," alo kaagad ni Delilah sa kanya nang mabatid ang kanyang p

