Kinahapunan ay dumating din naman si Raymond para pumalit sa pagbabantay kay Sheryll, kahit tuwid at seryoso ang mukha nito ay mababatid ang pamumugto ng mga mga mata ng lalake. Naroon man ang ingay ng mga nakapaligid sa kanila ay wala silang mabuong kahit anong pwedeng sabihin sa isa’t-isa ng mga oras na iyon. Nanatili lamang silang tahimik na dalawa panaka-naka ang ngiti at tango sa mga kasama bilang pagsagot. Magkatabi man ay batid niya ang kung anong layo nila ngayon sa isa’t-isa, kaya naman ganoon na lamang ang panghihina niya nang iwan na sila ng kanyang mga magulang. Ang hindi nila pagkibo sa isa’t-isa ay nakapanlalamig sa balat, halos mapanhid noon ang kanyang mga daliri, subalit may kaunting ningas pa rin sa kanyang loob na nagpupumilit na kumawala. "Ray," medyo atubili niyang

