THUNDER LAVISTRE "Umatras na tayo, tapos na ito." utos ko sa kanila. "Paano naman ito Thunder?" Tanong sa akin ni Vlad. Tiningnan ko naman mga bangkay na ito at umiling. "Tingin mo mapag lilines mo na naman ako nyan? No way!" agad na reklamo ni Damon. Natawa naman ako dahil lagi na lang ito ang gumagawa nun. "Ang baho kaya ng amoy nila! Mas lalo kapag sinu-sunog sila!" dagdag na reklamo nito na lalong kina tawa ko. "Hahaha okay, fine!" sagot ko na lang at kinuha ko ang cellphone ko. Dinayal ko ang numero ni Lolo. "Tatawagan mo ang sugo ni Satanas?" tanong sa akin ng kapatid kong si Storm. Nag kibit balikat ako bago sumagot. "Sa kanya ko ipapalines ito." simpleng sagot ko. "Ayan very good! Thunder kaya mahal kita pinsan eh!" biglang palakpak ni Damon. "Uuwi na ako gutom na ako!"

