FLAME MORJIANA LAVISTRE Nang maka uwi kami inutusan ko si Ethan na kunin na ang van. Para iuwi 'tong mga pinsan kong nanghihina dahil sa kaka suka kanina. Napa iling na lang ako ng makitang knockout si Damon, Earl, Lance at si kuya Storm. "Akalain mo yun. Ito lang pala mag papa bagsak sa kanila?" tanong ni kuya Vlad. Hindi ko naman maiwasan na hindi matawa. "Excited pa si Damon kanina kaso ito? Tulog na." sagot ko. Natawa naman si kuya Thunder. "So, bukas back to normal na naman?" tanong ni kuya Thunder sa'min. Andito din kasama namin sila Blake at Hanz na kapwa na atang mga tulog. "Bukas na lang natin pag usapan yan," sagot ko at binuksan na ang pinto saka nauna akong bumaba. "Hey, Damon. . ." pag gising ko kay Damon. Kinalabit ko ito na agad naman din nagising. "Nandito na tayo b

