Pagdating ko sa condo ko ay hindi pa rin ako matahimik dahil sa nangyari. Ipinasya kong tumambay sa kusina at kumuha ng maiinom sa ref. I was drinking in the kitchen ng maya-maya ay maingay na dumating ang tatlo kong pinsan. I heard Viktor cursed at Nick.
"D*mn man, ang bigat ng g*gong to ni hindi mo man lang ako tinulungan."
Nick laughed then I heard footsteps towards my direction.
"Insan andito ka na pala. Ta'na plakda si Anton, hirap talagang ma broken."
Tatawa-tawang nagki-kwento si Nick habang tuloy-tuloy ang pag-pasok niya sa kusina. Dumiretso siya sa ref para kumuha ng malamig na tubig. Iinom na sana siya nang mapabaling siya sa akin kaya mabilis siyang lumapit at hinawakan ang pisngi ko habang ang tubig na nasa kamay niya ay ipinatong niya sa mesa.
"Hey what's this in your face?"
"f*ck! alisin mo nga ang kamay mo sa mukha ko!" bulyaw ko sa kanya habang paingos na iniiwas ko sa kamay niya ang mukha ko.
Napakunot siya ng noo at naupo sa harap ko.
"what happened? saan mo nakuha yan? bakit hindi mo kami tinawagan?... sh*t! may umatake ba sayo?" sunod-sunod na tanong nito.
" what's wrong?" Viktor asked nang nagtataka siyang sumilip sa amin sa kusina.
"That' s what f*ckin' wrong!" galit na sagot ni Nick sabay turo sa pisngi ko na tiyak kung namumula ngayon dahil sa pagkakasapak ng amasonang yon. Lumapit si Viktor sa kinaroroonan ko at matiim akong tinitigan.
"Drei? wag mong sabihing nagsisimula na yong g*gong Volkov na yon? Bakit hindi ka tumawag sa amin? D*mn man! " Viktor clenched his jaw while waiting for my answer.
I groaned at them. "This is nothing at walang kinalaman si Volkov dito."
"Anong nothing? Kapag nalaman ito ni uncle .."
"woah! woah! woah! stop there!" itinaas ko ang dalawang kamay ko upang patigilin siya sa pagsasalita.
" walang malalaman o ipapaalam kay Dad, okay?"
"Then tell us what happened. Hindi pwedeng nothing lang ang isasagot mo sa amin, insan. Look, namamaga na oh, ni hindi mo man lang nilagyan ng cold compress." naiinis na tungayaw ni Nick sa akin. Padabog siyang tumayo sa kinauupuan niya at bumalik sa tapat ng ref. Mukhang napipikon na siya sa hindi ko pagsasabi ng nangyari.
D*mn ang kulit ng mga kolokoy na ito. Nakaka bwisit!, paano ko sasabihin sa kanila na napatumba ako ng isang babae? sa laking tao kung to plus the training that my Dad and uncles gave us just to make sure na kaya naming ipagtanggol ang sarili namin.
Naputol ang pag iisip ko ng maramdaman ang lamig ng bagay na nilapat ni Nick sa namamaga kong pisngi at panga. I saw worry in both of their eyes kaya nakunsensiya ako. I took a deep breath at saka ko itinuro ang upuan sa tapat ko telling them to sit. They sat in front of me, parehung seryoso at nakakunot ang noo.
"That f*uckin' woman is in a relationship... at nahuli niya kami on the act . ..Yon ang nangyari." inis kong paliwanag sa kanila. Hindi sila umimik at tila pinoproseso ang sinabi ko.
"And the boyfriend hit you? " paglilinaw na tanong ni Viktor.
"Hinayaan mong masuntok ka? " Nick added na tila nagtataka pa.
I groaned in protest. I put down the cold compress on the table. I sighed because I can see where this conversation is going.
"Tsk! I wasn't prepared. I told you we were on the act, I was surprised! we are both surprised!" napipikong pagtatanggol ko sa sarili, trying to save my ego na mukhang any moment ay magiging katatawanan na.
Tila napapaisip pa rin na seryosong nakatingin lang sa akin ang dalawa.
"You were never surprised, malakas ang pandama mo. Uncle trained you to be like that. So how come- -.."
"He's not a he, okay? ..Can we stop this interrogation? talo ko pa ang krminal na inuusig niyo sa Dami ng nga tanong ninyo." mainit na ang ulong putol ko sa sasabihin ni Viktor.
"What do you mean?" tila nagugulumihanang sabay na tanong ng dalawa.
"fyi insan, we're not taking you as a criminal. We are only trying to clear things out. So, can you just tell us everything?" Nick impatiently answered.
I sighed again then inilayo ko ang tingin sa kanila.
"D*mn! ... a lesbian.. amasonang tomboy ang karelasyon nong babaeng yon." halos pabulong at inis na sagot ko.
The two of them blankly stared at me. After ng ilang sandaling katahimikan, they looked at each other and burst out of laughter.
Napatiimbagang ako.
I knew it! Kaya ayaw kong ipaalam sa dalawang kolokoy na to dahil alam kong pagtatawanan lang nila ako. D*mn!
Matalim ang matang tumingin ako sa kanila but both of them can't stop laughing. I stand up and crossed my arms on my chest.
"Happy huh! " simangot na komento ko saka naglagay ako ng alak sa baso ko at galit na tinungga ito.
F*ck that amasona! I can't help but cursed the woman who made me a laughingstock just now. My reputation is in trouble right now.
"Hah! " napahinga ng malalim ang dalawang kolokoy para pigilan ang pagtawa nila.
"D*mn, I can't believe na tomboy lang pala ang katapat ng lahat ng training at paghahanda na pinagdaanan mo kay Dad at kina uncle. .. uhmmmppp! .. " nagpipigil ng tawa na hinihingal na komento ni Viktor.
"Tuwang-tuwa ha! I told you I was surprised!" napipikong pagtatanggol ko sa sarili. They are both teary eyed because of laughing. Pilit pa rin nilang kinontrol ang pagtawa at hinihingal na kumuha ng inumin nila.
"Hindi pa rin ako makapaniwala, insan." iiling-iling na sabi ni Nick matapos makainom ng tubig.
"Me too! D*mn man! Who would have thought that this man was hit by a lesbian. Tsk! kahit na tomboy yon, man! babae pa rin yon and women?... . nagkakandarapa sila na mapansin mo at maikama mo hindi ang manakit sayo." tuwang-tuwa na sabi ni Viktor.
"Well Tory boy, nahanap na niya ang katapat niya." natatawang dagdag ni Nick.
I just looked at them, pissed at what they are saying but I can't do anything. The more na ipagtanggol ko ang sarili ko to save my ego ay the more na mambubuska ang dalawang kolokoy na ito.
"You're enjoying this!" reklamo ko. Naupo ako ulit at uminom.
"I'm intrigued. Gusto kong makilala ang tomboy na ito. I wanna congratulate her for being the first ever woman who was able to punch the Andrei Turgenev's ego." sabi ni Viktor.
"yeah, me too! He's the man!" Nick seconded.
"No way! You will not meet that amasona, ayoko na siyang makita o masalubong man lang... Understood?!" galit na kontra ko kay Viktor.
I don't know why I felt angry ng marinig ko ang sinabi ni Viktor. Basta ang alam ko I felt alarmed at ayokong makita nila ang angel-este-amasona na yon. Her beautiful face passed through my mind kaya mabilis kong ipinilig ang ulo ko.
"Woah! galit? galit? gustong manakit? " kantyaw ni Nick.
Nag apir sila ni Viktor at tuwang-tuwa na tiningnan ulit ako saka tumawa na naman.
Bwisit na tumayo ako at umalis sa kusina. Narinig ko pang tinatawag ako ng dalawa ngunit hindi ko na pinansin pa. I felt so pissed and humiliated.
Pagdating sa kwarto, nahiga ako at pumikit. Muling lumitaw sa isip ko ang mukha ng amasona na yon. That angelic face.. .
Damn! naloko ako ng mala anghel na mukha non, amasona pala.
That woman! I know she's trouble.. . I'll be damned, but I will make sure that if I ever met her again I will be her sweet nightmare. F*ck! siya pa lang ang babaeng nakapanakit sa akin kaya babawi ako kahit anong mangyari! I need to save myself from this humiliation.
galit na pangako ko sa sarili ko.
Napamura ako ulit. Narinig kong nag-iingay pa rin at nagtatawanan ang dalawang kolokoy sa labas. Enjoy na enjoy sa sinapit ko. I closed my eyes and tried to put myself to sleep.
When I woke up, nasirang muli ang araw ko paglabas ko ng kwarto, why? well yong dalawang kolokoy ay enjoy na enjoy na nag kwento kay Anton kaya ang ending, maghapon nila akong bwinisit dahil everytime na tumitingin sila sa akin ay matatawa sila. They are making my face looked like a f*ckin' joke. My life will be d*mned if this goes on. Humiliation people! This is effin' humiliation of my life!
---------------
"My labs, okay ka lang? Lasing ka na oh, uwi ka na namin."
Ilang beses na akong inaaya ni Jacob paalis dito sa Seven Digits Bar ngunit hindi ako pumapayag. We are here para mag celebrate ng katatapos lang na assignment namin, we were supposed to have some fun ngunit.. nasira lang ang lahat dahil sa nakita ko.
Mapait akong napangiti at saka ko linagok ang inuming nasa basong hawak ko. Nahihilo na ako sa iba't-ibang alak na nainom ko pero ayaw ko pa ring tumigil.
Sabi nila pag masakit ang puso mo, alak lang ang katapat. Pero bakit madami ng alak ang nainom ko, iba-iba pa nga ang brand pero wala pa ring epekto.
Napayuko ako ng maramdaman ko ang umaambang luha sa mga mata ko.
"Ang sakit! ang sakit ng dibdib ko!" umiiyak na sabi ko. Hinampas ko ng malakas ang dibdib ko hoping that it will ease the pain I am feeling right now.
I felt a hug from Maggie na nasa tabi ko. Hindi niya ako binitiwan hanggat hindi humuhupa ang pag iyak ko.
"I felt it o'ready, may dudha na hako na may ginagawa siya behind my back bush I trushted her. hik! Kung hindi koh pa siya nakitsa kanenya habang nakikipaglandian dito kashama ng mga lintsek na kaibigan niya ay hindi ko pa makukumpirma ang kalandian niya. hik! Mashakit palang mashampal ng katotohanan. Kung gushto niya palang makipagjugjugan sa lalaki bakit hindi na lang siya nakipag hiwalay? Langya! hindi ba siya nawashak don sha laki ng kargada ng foreigner na yon?! hik!" lasing na patuloy na pagsasalita ko.
Hindi umiimik ang mga kasama ko, hinayaan lang nila akong magbuhos ng damdamin ko. Napayukyok ako sa mesa. Umiikot na ang pakiramdam ko.
Maya-maya, naramdaman kong may bumuhat sa akin at dahil sa hilo ay napakapit na lamang ako sa leeg nito. I smelled Jacob's perfume kaya nakumpirma ko na siya ang may buhat sa akin palabas ng bar.
"I still want too drink" I groaned and protest ngunit hindi na ito pinansin pa ni Jacob.
Pagdating sa sasakyan, maingat niya akong ibinaba sa upuan at nilagyan ng seatbelt. I closed my eyes at hinayaan ko nang gupuin ako ng pagod, antok at kalasingan.
Nang magising ako kinabukasan ay naramdaman ko agad ang sakit na sumigid sa ulo ko. Naupo ako sa kama and I checked my surroundings at nang makita kong nasa kwarto ko ako ay muli akong napahiga.
I remembered everything that happened last night. Kahit nalalasing ako ay hindi ako nakakalimot sa mga nangyari sa akin. I sighed when I remembered my girlfriend Marga-este ex na pala.
Tatlong taon na relationship, ganon ba katagal yon para magsawa ang isang tao at magdesisyong humanap ng iba? Diba dapat kapag nagmahal ka, sapat na ang taong pinili ng puso mo? Alam kong malaki ang pagkukulang ko sa relationship namin dahil sa trabaho ko but I was like this simula pa lang na magkakilala kami. Dati ay naiintindihan naman niya, what happened? Kung time ang dahilan, yeah guilty ako. I neglected her everytime na nasa misyon ako but bumabawi naman ako kapag wala akong trabaho, I always ask her out and spend time with each other pero madalas ay tinatanggihan niya dahil busy din daw siya sa trabaho. Just like what happened last night. I asked her out pero tinanggihan niya ulit dahil busy daw siya. Busy tapos makikita ko sa bar na lalabas ng may kasamang foreigner, wtf is that? ! At ang lalaaking yon, d*mn! napamura ako sa isip ng maalala ko ang itsura ng lalaking yon.
tok! tok! tok!
Naputol ang malalim na pag-iisip ko ng marinig ko ang katok sa pinto ng kwarto ko. Tinatamad na bumangon ako at binuksan ang pinto.
"You're awake!" nakangiting mukha ni Maggie ang nabungaran ko.
"Did you sleep here?" tanong ko.
"Yeah.. . kami nina Jacob. Sina Red at Shubhi lang ang umuwi."
I sighed. ..
"Sorry, naabala ko na kayo. Nasira ko pa ang jamming kagabi."
"Sus! others lang teh? Labas ka na, nagluto ang dakilang manliligaw mo ng breakfast at hangover soup para sayo." nanunudyo ang ngisi na sabi nito.
I shook my head and smiled at what she said.
"Ligo lang muna ako. Sakit ng ulo ko eh."
"Oks! sunod ka na lang, alam mo naman ang patungo sa kusina diba?" natatawang biro nito. She pat me in the shoulder saka tumalikod at naglakad na pababa ng hagdan.
I took a quick shower at saka inayos ang sarili para bumaba. Pagdating ko sa kusina ay kumakain na ang tatlong naki sleep over sa bahay ko. Jacob stand up at pinaghatak niya ako ng upuan na katabi ng inuupuan niyo.
"Naks! Idol talaga kita Bud." nanunudyong sabi ni Raven kay Jacob sabay thumbs up dito.
Malapad na ngumiti si Jacob. Hindi ko na pinansin ang pag aalaskahan nila at kumain na lang. Tahimik lang ako at tanging biruan nina Jacob at Raven ang maririnig habang kumakain kami. Si Maggie naman ay tila nakikiramdam na pasulyap-sulyap sa gawi ko.
Pagkatapos naming kumain ay pinaalis na kami ni Jacob sa kusina. Sila ni Raven ang nagligpit ng pinagkainan namin while Maggie and I chose to go outside para tumambay sa hammock na nakalagay sa may gilid ng bahay ko, malapit sa kubong pinagawa ko para maging tambayan kapag narito sila.
Pagdating sa hammock ay tahimik pa rin akong nagmasid sa magandang tanawing nasa harapan namin. Ang malawak na lupang ito ay naiwan sa akin ng yumao kong mga magulang. Sa pinakagitna ay nakatayo ang dalawang palapag na bahay na gawa sa kalahating semento bilang pinaka pundasyon at ang taas na bahagi naman ay gawa sa matitibay na kahoy. Napapalibutan ito ng maraming punongkahoy at may maliit ding taniman ng gulay at dalawang fish pond sa may likod bahay kung saan naroon ang kubo at hammock na kinaroroonan namin. Tanaw sa parteng ito ang malawak na palayan at taniman ng gulay na siyang pangunahing produkto ng lugar na ito.
"Speak Mags! wag kang tingin ng tingin at buntung-hininga diyan." sita ko sa kanya dahil kanina pa siya tila may gustong sabihin.
"Hehe.. sorry naman teh, tumatayming lang eh." she gave me peace sign at isang pilit na ngiti.
"so? what is it? spill the tea."
Napakamot siya sa ulo.
"So gusto mong i-share?" tanong niya.
"Tsk! nasabi ko na kagabi diba?"
"Aysus naman oh! ateng, ang iniisip ko is detailed na report hindi yong pahapyaw lang. ..Bawal yon sa trabaho natin, you know, dapat always detalyado tayo sa pangangalap ng info with proof a d everything,ganern! "
Natawa ako sa paraan ng pagsasalita niya. Dating sosyal itong kaibigan kong ito pero simula ng mapasama sa team namin biglang naging sosyal na ewan.
"So? tatawanan mo lang ako teh?" umayos siya ng upo sa hammock na kinaroroonan niya at saka namewang.
I took a deep breath.
"yon nga, nahuli ko nga kagabi.."
Maggie gazed at me, nakangusong mukhang tsismosang nabibitin sa nakukuha niyang tsismis.
" yeah I know that already, and then what?" she cut me.
I cleared my throat at nagtitimping mag sungit na nagpatuloy..
"Nahuli ko nga kasama yong isang malaking mama na foreigner.."
"I know that already too, teh details? paano mo nahuli? Anong ginawa mo? Anong ginagawa nila? like-.."
Siniringan ko siya ng mata at kunot noong napahilot ako sa sentido ko.
"naman oh!" kunsumidong tungayaw ko.
"uy, uy, uy, ateng bakit ka nagagalit? eh ikaw tong kung ano-anong pasakalye pa ang nalalaman."
"eh kung hindi mo kaya ako pinuputol,noh? baka kanina pa sana tapos ang usapan na to, eh noh? singit ka ng singit eh nagsisimula pa lang akong magkwento."
she gave me a peace sign again at ngumiti ng pangiwi ... "ahehe..sorry naman teh, excited lang. sige na tuloy mo na sinasabi mo, quiet na me.. go girl, sige na"
iningusan ko siya kaya umakma siyang nag zipper ng bibig at binigyan ako ng ok sign.
kunsumidong iningusan ko siya ulit at saka nahiga sa hammock. Kung hindi ko lang kaibigan to iiwanan ko na to dito but since alam kong hindi niya rin naman ako titigilan hanggat hindi niya nakukuha ang gusto niya ay wala akong choice kundi magsabi. If you're a friend of Maggie, you are required to share everything to her. Magaling naman itong magtago ng secret yon nga lang tsismosa talaga.
I took a deep breath at saka nag umpisang mag kwento ng nangyari.. .