Present
Naiinis na masama akong nakatingin ngayon sa kausap kong si Maggie.
Hindi ko alam kung bakit siya halos pangapusan na ng hininga sa kakatawa pagkatapos kong ikwento sa kanya ang buong nangyari. Nagtataka na rin ang dalawang kasama namin na inabutan na ang babaeng ito sa ganitong sitwasyon habang ako ay pikon na pikon at masamang nakatingin sa namimilipit at naluluhang pagtawa ni Maggie.
"L*ngya naman Magnolia, ang saya mo ha! Sarap mong ibitin sa puno ng mangga at tiradurin ng tinik ng puno ng pomelo. Tumigil ka na kung ayaw mong itapon kita don sa fishpond at gawing pagkain ng mga tilapia." napipikon kong banta sa kanya nang hindi na ako makatiis.
Ang saklap ng nangyari sa akin tapos ang bruhang ito ay tila tuwang-tuwa pa. Nakakainsulto lang ha.
"Ano bang nangyari diyan? " nakapa mewang na naguguluhang tanong ni Jacob.
Kanina pa sila nakatayo sa harap namin habang nakatingin sa babaeng panay pa rin ang tawa.
"baka nanuno na yan ha, may mga dwende ba dito sa inyo Andy?" nakangising biro na tanong ni Raven.
Sa halip na sagutin si Raven ay gigil na inabot ko si Maggie at binatukan ng malakas. Napatigil ito sa pagtawa at nasasaktan na nakangusong napatingin sa akin.
"ouchie ha! masyadong mapanakit porket broken, tse!" maarte at paingos na reklamo nito habang mahinang hinahaplos ang nasaktang batok.
Babatukan ko sana siya ulit ng naunahan na ako ni Jacob at binigyan siya nito ng malakas na pitik sa ilong at tenga.
"oucccchhh! ..ano ba? inaano ka Jacob? " reklamo ulit nito sabay ganti ng hampas sa natatawang si Jacob.
"Ang shunga mo kasi Mags, alam mo nang broken na yong my labs niyan pinagtatawanan mo pa." naiiling na komento ni Raven.
Akmang aangal pa si Maggie ngunit siniringan na siya ng mata ni Jacob at saka tinakpan naman ni Raven ang bibig nito.
Natawa ako ng makita ang itsura ni Maggie na nagpapalag at pilit na lumalayo kay Raven. Naaliw na nag ngisian kami ni Jacob.
" enough Raven, lubayan mo na ang isang yan. " saway dito ni Jacob.
Walang tigil na hinampas ni Maggie si Raven ng pakawalan siya nito. Ang isa naman ay aliw na aliw pa habang umiiwas.
"so ano, kampihan? may favoritism?" reklamong tanong ni Maggie ng tumigil siya at tila napagod na sa kakahampas kay Raven.
"pag broken dapat special treatment yan, diba Jacob?" natatawang kinindatan nito si Jacob na nag thumbs up naman dito.
Nayayamot kong siniringan sila ng mata at saka sabay-sabay kaming nagtawanan.
Naupo ang dalawa sa upuang naroon sa may pahabang mesa na gawa sa kahoy na madalas naming gamitin kapag nag iinuman kami dito sa likod-bahay. May dala silang snacks at drinks kanina at iyon ang nilantakan nila. Kumuha naman kami ni Maggie ng mangga na binalatan na ng dalawa at ipinares ito sa maanghang na bagoong alamang.
"seriously teh, sa dami ng nangyari kagabi it's amazing na talagang tumatak pa ang itsura ng lalaking iyon at talagang nasigaw mo pa na malaki yong ano niya ha." sabi ni Maggie with an amused face looking at me.
"So, anong masasabi mo don Jacob? Malaki ba talaga?" natatawa pang pahabol na tanong nito.
Biglang naubo si Jacob kaya nabaling sa kanya ang pansin namin. Inabot ni Raven sa kanya ang tubig at mabilis naman itong uminom.
"L*ngya ka Mags. Pinaalala mo pa talaga sa akin yon ha. At saka bakit ako ang tinatanong mo niyan?" sita ni Jacob dito.
"Natural po, ikaw ang kasama niya kagabi diba? Wag mong sabihing hindi mo nakita yon, hindi mo sila sinilip sa loob?"
"eh bat ko naman titingnan yong kargada ng lalaking yon eh meron din naman ako -"
Napatigil si Jacob sa pagsasalita ng mabaling ang tingin niya sa akin. Bigla siyang namutla ng makita ang masamang tingin na ibinigay ko sa kanya.
"So, saan ka tumingin? or should I say, kanino?" tanong ko sa kanya ng may kasamang nagdududa at nagbabantang tingin.
"ah... eh...my labs kasi.."
"kasi ano Jacob?" nagbabanta kong putol sa sinasabi niya.
Napangisi siya ng alanganin at nagtaas ng dalawang kamay tanda ng pagsuko ng makita niyang siniringan ko siya ng mata. Ang dalawa naman ay tuwang-tuwa pa sa nangyayari at pinagtatawanan si Jacob.
"ok my labs, guilty! sorry na agad!" natatawang pag amin nit at saka ako binigyan ng peace sign.
"Gago! minanyak mo pa ang girlfriend ko ha." bwisit ko itong binato ng unan na nahawakan ko.
Tumatawang sinalo naman niya ito.
"Patay kang manyak ka!" tumatawang tudyo ni Maggie dito habang sarap na sarap itong kumakain ng mangga.
Tiningnan ni Jacob ng masama si Maggie.
"Manyak talaga Mags ha?. Kahit sino namang lalaki eh don mapapatingin, bakit ko naman titingnan yong lalaking nakahubad na kasama niya eh meron naman ako ng meron siya. Diba bestfriend Raven?"
Humagalpak ng tawa ang dalawa at naiiling na iningusan ko naman ito. Habang si Raven naman ay tumatango namang sumang-ayon dito. Naghahanap pa talaga ng kakampi itong gagong to.
"Pero mabalik tayo teh.." pang aagaw pansin ni Maggie.
"..tiningnan mo nga talaga yong ano ni mamang foreigner? As in sa mga nangyari, napatingin ka pa talaga don? " pangungulit nito.
Biglang pumasok sa isip ko ang hubad na katawan ng lalaking yon at pati na rin ang malaking p*********i nito. Pinilig ko ang ulo ko at naagaw muli ang pansin ko sa sinabi ni Raven.
" hmmm... you know what Mags, I can smell a change of .. ..you know." nanunudyong sabi ni Raven at saka kinindatan si Maggie na bigla namang napangisi.
"Teh, ikaw ha. Inaalala mo pa, ano type mo? tinamaan ka ng t**i nong mamang yon no? sabihin mo lang at ha- huntingin na namin yong foreigner na yon? shotgun wedding agad-agad, ganern!"
Nagtawanan ang dalawa habang si Jacob naman an nakasimangot na magpoprotesta sana ngunit natigil nang makita ang masamang tingin ko dito.
I groaned a protest dahil sa mga espikulasyon nila pero tuwang-tuwa na nag apir pa sina Maggie at Raven. Kumuha na lang ako ng mangga at hindi na sila pinatulan pa.
"uy, uy, uy... tumahimik kayo ha." naiinis na hindi na nakatiis na awat ni Jacob sa panunudyo ng dalawa. Binalingan ako nito at napangusong tila nagmamaktol na lumapit sa akin.
" My labs wag kang nakikinig diyan, kung nagbago ka na ng taste andito lang ako kahit kelan, kahit saan magsabi ka lang, pakakasalan...-"
mabilis kung ipinasok sa bibig niya ang buto ng mangga na kakainin ko sana upang maputol ang sinasabi nito..
"maghunusdili nga kayo, lalo ka na Jacob. Sumasakit ang ulo ko sa inyo. Kung ano-anong sinasabi at naiisip ninyong kalokohan. Masyadong malalawak ang imagination ninyo, ang totoo, writer ba kayo?" yamot na sita at saway ko sa kanila.
"hindi pa ba kayo uuwi?" nakaismid ko pang dugtong.
"Grabe naman oh! dinadamayan ka na nga namin tapos paalisin mo pa kami." tampu-tampuhang sagot ni Raven at saka biglang tumayo.
"pinauuwi mo na kami kasi gusto mong iimagine yong nakita mo ano? sobrang laki ba talaga teh? yummy ba?" ayaw pa ring sumukong panunudyo ni Maggie. Natawa silang muli ni Raven at muling nag apir.
"tigilan mo ako sa mga ganyan mo Magnolia ha, at ikaw Raven mag sama na kayong dalawa at lumayas kayo dito sa bakuran ko." paingos na sabi ko at saka tumayo na rin.
Tiningnan nila ako ng maigi at may panunudyo.
Naiinis na binato ko sila ng masamang tingin at nagmamaktol na napaupong muli.
"seriously! ganyan talaga ang naisip niyo? Wala man lang ba kayong sasabihin tungkol don sa ginawa ng girlfriend ko?"
"uh! uh! uh! correction teh, kanina ka pa girlfriend ng girlfriend..ex girlfriend..ex mo na siya kagabi diba? ex ha, ex!" maarteng pagdidiin ni Maggie at saka nilalantakan na naman ang mangga at bagoong.
" tsk! kaibigan ko ba talaga kayo? pinagdiinan pa talaga ha? apaka supportive niyo grabe." I sarcastically told them.
Tumayo si Maggie at saka paharap na hinawakan ang dalawang kamay ko. She looked me straight through the eyes at saka ma dramang nagsalita.. take note, ma drama na parang nasa teleserye ha with matching actions.
"teh... frennie...beshiewaps...gurl... friends mo kami kaya nga hindi ka namin maiwan diba? isa pa I want you to be truly happy and I'm telling you... . yong..." pabitin nito. Tumayo siya at madrama pa ring tumingin sa aming tatlo. Pagkatapos ay mariin akong tiningnan. Lahat kami ay seryosong nag antay ng karugtong ng sinasabi niya kanina.
" yong ganong kalaki, perfect ten na yon, baka more than pa nga kaya sure na sure na lagpas langit ang ... uhmmmp "
Mabilis kong tinakpan ang bunganga niya ng maintindihan ko ang pinupunto ng sinasabi niya. Langya kala ko seryoso siya sa sinasabi, tagos na sana sa puso tapos biglang kabastusan at kahalayan lang pala ang ending.
Tawang-tawa ang dalawa ng ma gets ang sinabi ni Maggie habang ako ay yamot na ang mukha at pasakal na hinigpitan ang kamay ko na ginawa kong pangtakip sa bunganga nito.
"Kung hindi lang masamang pumatay ng kaibigan, naku sinasabi ko sa inyo kanina pa bumulagta tong isang to."
Nagpapalag na natatawa si Maggie habang pasakal pa ring nakapaikot ang kamay ko sa leeg at bunganga niya.
Magsasalita pa sana si Raven ng biglang makarinig kami ng tumatawag sa labas ng bahay ko. Naalis ko ang kamay ko kay Maggie at kunot noong natigilan. Bago ako maglakad papunta sa harap ng bahay ko ay nakita ko pang nagtinginan ang tatlo ngunit hindi naman kumilos.
-------------
"Can we talk?" tanong ni Margareth. Ilang minuto na rin mula ng mabungaran ko siya sa labas, pinapasok ko siya sa sala at ngayon nga ay binasag niya ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Ang tatlong kasama ko ay sumilip lamang kanina sa amin, tila siniguro na ayos lang ako at saka bumalik sa likod bahay. Nakita ko pang iningusan muna ni Maggie si Margareth bago ito tumalikod at bumalik sa likod-bahay.
"please babe?" nagmamakaawang dugtong nito ng hindi pa rin ako umimik.
I sighed and cleared my throat.
"talk? yeah, let's talk about how you cheated on me at kung pano mo ako pinagmukhang tanga sa mga nakalipas na araw o baka buwan o taon pa nga. So tell me." I sarcastically said.
I know I sounded so bitter but I want her to know kung gaano kasakit sa akin ang makausap siya ngayon after ng nakita ko kagabi.
Napayuko siya at napasinghot. She's crying. I know I shouldn't feel pity for her pero hindi ko pa rin maiwasang maawa sa kaniya. Galit ako, naguguluhan at nasasaktan but I can't deny the fact that I love her, I really do.
"I'm..I.. I'm sorry babe! I'm so sorry!" napahagulhol na hingi niya ng tawad habang nakayuko at nakatakip ang mga kamay sa mukha niya.
"Tsk! sorry? after what you did, pagkatapos mong magpakasaya magso-sorry ka? Mukhang ni hindi mo naman ako naisip nong time na nag cheat ka sa akin, kung hindi pa siguro kita nahuli kagabi ay baka wala ka man lang balak na ipaalam sa akin. You should've told me kung ayaw mo na hindi yong pinili mo pang patuloy na lokohin ako at pagmukhaing tanga." galit na sumbat ko sa kaniya.
I need to let out my anger at ngayong nandito siya ay talagang hindi ko hahayaang hindi ko maipaalam sa kaniya ang nararamdaman ko.
I am trying to suppress my anger, naaawa ako sa kaniya ngayong nakikita kong umiiyak siya at nasasaktan pero sa tuwing sumasagi sa isip ko ang inabutan kong itsura niya kagabi na sarap na sarap at tila walang karelasyon na nakikipagyugyugan sa iba ay natatabunan ang awa ko sa kanya. Hindi ko maiwasang magalit. How could a person forget someone they love while doing nasty things with someone tapos ay iiyak at magpapaawa kapag nahuli?
Patuloy lang siya sa pag iyak at hindi na nagsalita pa. Tumahimik ako ulit at tumungo sa kusina para kalamayin ang damdamin ko at kumuha ng tubig. Nang maayos na ang pakiramdam ko ay binalikan ko siya sa sala. Inilapag ko sa tapat niya ang tubig na kinuha naman niya. Muli akong naupo sa tapat ng inuupuan niya at seryoso ang mukhang tiningnan siya. I looked at her straight in the eye kaya tila nahiya siyang muling tumungo.
"Bumalik si papa last last month, may sakit daw at iniwan ng kinakasama niya." she said habang nakayuko na ulit ang mukha.
I saw her clenched her fist pero hindi ako nagsalita. She looked at me at tila naghintay ng komento mula sa akin, nang mabigo ay ibinaling niya ang tingin sa labas.
"Tinanggap siya ni mama ng walang sabi-sabi at pinatira ulit sa bahay kasama pa ang mga anak niya sa babaeng yon." pumalatak siya sa sinabi niya habang ako ay tahimik lang at kunot ang noo na pinagmamasdan siya.
She took a deep breath and sighed. She bit her lower lips at naiiyak na muling yumuko.
"Nagalit ako sa kanila lalo na kay mama, pagkatapos ng lahat ng ginawa sa kanya ni papa ganon-ganon lang niya siya tatanggapin ulit. Sa lahat ng hirap na pinagdaanan namin... I was so angry, nasa misyon ka..wala akong makausap o masabihan man lang ng nararamdaman ko. I don't want to burden you. My friends were the ones who were there for me."
I chuckled. Yamot ko siyang binalingan.
"So kasalanan ko dahil wala ako? Tumatawag ako, kinukumusta kita pero wala kang sinasabi at madalas ay iniiwasan mo pa ang mga tawag ko." paalala ko sa kanya.
She looked at me and shooked her head.
"No,no,no.. that's not what I mean. I'm not blaming you for what I've done. Aminado akong mali ang mga ginawa ko that's why I'm saying sorry na nasaktan kita. What I'm saying is that, nawala ako sa sarili ko dahil sa galit ko sa mga kasama ko sa bahay. I hate to come home kaya mas pinili kong lumabas, mag bar at magpakalasing kasama ng mga kaibigan ko. The cheating... "
Naputol ang sinasabi niya dahil muli siyang napaiyak.
I looked away and clenched my jaw. Gusto ko siyang intindihin dahil alam ko ang naging galit niya sa papa niya. I saw how hard they tried to survive mula ng iwan sila nito. She felt betrayed by what her mother did kaya naiintindihan kong nasasaktan siya at wala ako doon kaya kumapit siya sa mga kaibigan niya, but, the cheating is another thing. Iba yon at mas mabigat yon dahil kung tutuusin ay kaya siya galit sa papa niya is because he cheated on her mom. So paano niya nagawa yon sa akin?
"I felt like drowning in pain and anger everytime at pakiramdam ko nagagantihan ko si mama everytime na ginagawa ko yon. I drowned, mali yong mga nagawa ko sayo at sa relationship natin but I don't know why I can't stop doing it. At first it was all just for fun, to despise my father and mama. But later on... I guess I am really his daughter..." She chuckled at what she said.
"I cheated on you, I did it walang dapat sisihin kundi ako and I'm sorry for hurting you like this. You don't deserve someone like me babe, I love you still , hindi yon nawala pero I need to end this. You don't deserve someone like me. Gusto kong maghiwalay tayo ng tama baka sakali pag nagkita man tayo ulit makakaya ko pang harapin ka."
I was shocked at what she said. Somehow naisip kong nandito siya para magmakaawa, umasa pa rin ako aaminin ko , umasa ako for another chance, umasa ako na maayos pa rin kami kapag nag usap kami at nagkaliwanagan. I am thinking of giving her a chance kahit hindi pa niya hinihingi kasi mahal ko siya. Galit ako sa ginawa niya pero mahal ko siya. It's stupid I know, it never occurred to me that she will face me to just say sorry and end us formally. Somehow nasaktan ako lalo sa sinabi niya.
"D*mn! so this is it huh.. ibig sabihin ay balak mo talagang makipaghiwalay sa akin? kahit hindi pa kita nahuli kagabi? Hindi ka nagpunta dito to ask for a chance. You already made up your mind." kunot noong tanong ko sa kanya.
I voiced out my thoughts, mukhang tanga lang pero ganon talaga eh. Pag nagmahal ka nagiging tanga ka.
She sighed and nod at me. Naluluha ko siyang tiningnan ng matiim. She is still crying. Guilt is written on her face.
"After the first time na nagawa kong mag cheat sayo ay naisip ko na makipaghiwalay na but you're working kaya hinintay ko na makauwi ka. Nahihiya ako sa iyo, nagi-guilty kaya halos hindi ako nakikipag-usap. Nong sinabi mo na nakabalik ka na I felt so frustrated, natakot ako, naduwag.. hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo kaya hindi ako sumama nong inaya mo ako. I thought I can still keep it hanggang magkalakas ako ng loob na makipag usap sayo ..but last night happened. I don't have the right to ask for another chance after everything that I did. I cheated on you, that's more than enough reason to end this. Don't give me another chance, please. Hindi ko kayang maging tayo pa rin pagkatapos ng mga nagawa ko. I'm sorry!" yumuko siya ulit at umiyak ng umiyak.
Mahabang katahimikan ang dumaan, wala ulit nagsalita sa amin. Pinakiramdaman ko ang damdamin ko, I still felt betrayed, nasasaktan ako, nagagalit but I tried to still talk to her. Gusto kong maging malinaw na lahat, mapag-usapan ang kailangang pag-usapan at matapos ang kailangang tapusin. Tama siya, kailangan namin ito.
"May iba na ba?" I asked her.
Umiling siya.
"You said you still love me.."
Mabilis siyang tumango while sincerely looking at me.
"Then why let go?"
She sighed.
"It's not enough, I don't think it's gonna be enough para mag work pa tayo pagkatapos ng mga ginawa ko. Hindi na ako nararapat para sayo babe. I don't think I can be the same girl I used to be, I might still cheat on you. I already cheated , not just once. Ayokong magkasakitan lang tayo sa huli. I don't want to hurt you again and again, you don't deserve that. You don't deserve someone that is so complicated like me."
I saw sincerity in her eyes and I believed her. Yumuko ako at sinabunutan ang buhok ko. Nilimi ko ang lahat, masakit. Nakita kong nasasaktan din siya and she's right I also don't want us to push through this kung sa huli ay magkakasakitan lang din kami. Tumango ako at nag angat ng tingin. I sighed when I saw guilt, pity and pain in her eyes. Kanina pa siya umiiyak at namamaga na ang mata niya. Nakaramdam ako ng awa at gusto kong lapitan siya at patigilin sa pag iyak pero pinigilan ko ang sarili ko.
"Will you be okay doing those things?" nakatiim bagang na tanong ko.
She shook her head.
"Hindi ko alam. I don't know if I will be able to stop. But I'll try. Gusto nina mama na umalis, umuwi sa probinsiya. I decided to come and give our family a chance.To start anew. "
Nakahinga ako ng maayos ng marinig ko ang sagot niya. I'm worried about her.
"I want you to be happy. I really do. Sana maging maayos kayo nina tita."
I sincerely want her to be okay. Kung maghihiwalay man kami gusto kong maging maayos pa din siya sa huli.
Naiiyak na tumayo siya at lumapit sa akin. Paluhod siyang yumakap sa akin and I hugged her back. Humagulhol siya at napaluha na rin ako kasabay niya. After awhile, lumuluha pa ring humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin.
" I'm so sorry babe, sorry!" umiiyak na hingi niya ng tawad.
I held her again, tight at saka hinaplos ko ang ulo at likod niya.
"Please be happy! Stop punishing yourself. I love you babe, gusto kong maging masaya ka,.. you deserve it." I sincerely told her habang yakap ko siya at inaalo sa pag iyak.
Hinawakan ko ang mukha niya ng humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at saka hinawakan ko ang mukha niya na puno pa rin ng luha. I smiled at her, pinunasan ko ang mga luha niya gamit ang daliri ko at saka siya hinalikan sa noo. She smiled at me and hugged me again.
Parehu kaming natawa ng muli kaming magtinginan. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya, I kissed them and smiled at her again.
"If you need me, don't hesitate to call. Ingatan mo ang sarili mo ha? "
Tumango siya at ngumiti rin.
" I will! Thank you for everything! " She gave me another hug.
Biglang tumunog ang phone niya. Sinilip ko kung sino ng caller ng nakita ko sa mukha niya ang hesitation to answer the call.
" That's tita, sagutin mo na baka importante."
She looked at me still hesitant pero bago pa matapos ang tawag ay sinagot niya rin. Hinayaan ko siyang makipag usap sa mama niya but my gaze never left her kaya nakita kong dumaan ang pag-aalala sa mukha niya. Matapos patayin ang tawag ay mabilis na siyang nagpaalam.
I walked her outside and bid her goodbye. Ilang minuto akong nakatayo at nakatanaw pa rin sa labas when suddenly I felt someone's arms hugged me from the back. I looked at the person who hugged me and saw Maggie na naiiyak na naka pout at saka ipinatong ang mukha niya sa balikat ko.
Natawa ako sa itsura niya kaya hinawakan ko siya sa ulo at ginulo ang buhok niya. I saw Jacob and Raven standing at the door frame at matiim na nakatitig sa akin. They nod at me and I give them a smile.
Inakay ko papasok si Maggie na ayaw pa ring humiwalay sa akin at ngayon ay nakakapit na sa kaliwang braso ko at nakapatong ang baba sa kaliwang balikat ko.Iiling-iling na nginisihan ko siya habang sabay kaming naglakad pabalik sa likod-bahay. Isa sa mga katangian ng kaibigan ko na gustong-gusto ko ay ang ganito. When they know that I need them hindi sila aalis sa tabi mo hanggang makita nilang ok ka. No words needed, just their presence is already something I can be grateful for. Kahit magugulo tong mga to, maasahan din talaga na hindi ka iiwan sa ere.
Naisip ko si Margareth. I really wish for her peace and happiness. We may not be able to worked out our relationship pero sapat na sa akin ang malamang mahal namin ang isa't-isa at nagkaliwanagan kami.
They said forgiving takes time, no I disagree. It takes time to forgive someone kung paiiralin natin ang pride natin. Isang taimtim at maayos na pag uusap lang ang kailangan para magpatawad. I can't say na wala na ang galit dahil nandito pa rin, nararamdaman ko pa rin..yon nga lang nabawasan na dahil sa naging pag uusap namin and in time alam kong kusa itong mawawala.
I was snapped out of my thoughts nang makita kong nagkukulitan na naman ang mga kasama ko. I smiled while looking at them. I guess I'll be okay.