Chapter 38 "Architect, gusto niyo po?" Pag-alok sa akin ni Dianne ng hawak niyang chips. Mabilis akong bumaling, ngumiti at umiling sa kanya. "I'm still full but, thank you." Ngiti kong muli. Nang makaalis na siya para alukin naman ang iba naming kasamahan ay huminga muna ako ng malalim bago muling ibinaling ang aking tingin sa napakaganda at napakalinaw na kulay asul na dalampasigan habang nakaupo ako sa yacht armchair. We are now on a yacht and we are heading to the other resort that is quite far away from here. Nirecommend kami ni Sir Andres sa kanila kaya ngayon ay bibisitahin lang namin. Sampu lang kaming nandirito ngayo patungo sa kabilang resort at ang iba naming kasamahan ay naiwan sa site, including Gabriel. Nirerespeto talaga niya ang kagustuhan ko. It's been almost five d

