Chapter 12 "Anak, mag-iingat kayo sa biyahe ha? Mag-iingat din kayong dalawa sa Laguna pagdating niyo doon." Paalala ni nanay habang inilalagay na sa tupperware ang special palitaw with yema na ginawa niya na palagi niyang ipinapabaon sa amin ni Gab tuwing babalik na kami sa Laguna. Ngayong hapon ang balik namin sa Laguna at lampas isang linggo kaming nagstay dito. Nitong mga nakaraang araw ay panay lang ang picnic at ligo namin sa may batis na malapit lang dito sa bahay namin. Hindi na din ako nakapunta pa kay Tita Gie para magpabrace dahil may biglaang conference siya sa Canada. "Opo, nay. Mag-iingat din po kayo dito nina tatay." Sagot ko habang inilalagay sa dala naming folder ang natapos ni Gab na 10 plates niya at pati ang 10 plates ko na natapos ko din. Naging malaking tulong ang

