Chapter 8 "Hon! Stop teasing me!" Narinig kong sigaw ni Gab na may halong pagkainis habang nakadapa sa aming kama. "What are you talking about, Hon? I'm not doing anything!" Pagmamaang-maangan ko habang papasok na ako sa loob ng C.R. "But you're smiling like an idiot, Honey! I know what you're thinking!" Naiinis pa din niyang sigaw mula sa labas. Ako nama'y napailing at napahalakhak na lang sa loob ng C.R. dahil naalala ko na naman ang nangyari kagabi. Mang-aakit na nga lang, tutulugan pa ako! Habang naliligo ay good vibes na good vibes lang ako dahil mayroon na naman akong ipang-aasar kay Gab. Matapos kong maligo at maisuot ang aking navy blue two piece swimsuit ay lumabas na kaagad ako at doon ay nadatnan ko ang nakaupo na ngayon sa kama na si Gab habang topless at habang tinutuyo a

