Prologue
"Tita, ano po ang ginagawa ninyo dito sa bahay ng ganito kaaga?" nagtatakang tanong ko kay Tita Gie nang madatnan ko siyang nakaupo sa sofa habang kaharap at kausap si nanay.
Nakasuot siya ng isang floral dress na pinapatungan ng kanyang puting lab coat. Mukhang didiretso siya ng kanyang clinic pagkatapos niya dito. Pero tungkol saan ang pinag-uusapan nilang dalawa at ganito pa talaga kaaga?
Alas-kwatro pa lang ng umaga at mag-jo-jogging pa lang sana ako kaya nagulat talaga ako nang makababa ako at madatnan ko sila dito.
Naglakad na ako papalapit sa kanila at hindi nakalampas sa aking paningin ang mabilis na pagtago ni nanay ng isang papel sa kanyang likuran na mabilis nakapagpangunot ng aking noo.
Kunot-noo pa rin ako nang makalapit ako sa kanila.
"What's that, nay?" pagtingin ko sa kanya sabay lipat ng tingin sa kanyang kamay na nasa kanyang likuran.
"W-wala 'to, anak." She stuttered at mas itinago pang maigi ang kanyang kamay sa kanyang likuran kaya naman mas lalo pa akong naging curious kung ano nga ang laman ng papel na iyon.
"Sige na anak, mag-jogging ka na. May p-pag-uusapan lang kaming importante ng tita mo," hilaw na ngiti sa akin ni nanay.
Napansin kong parang kinakabahan na rin si Tita na nasa tabi lang ni nanay at bilang isang makulit na anak at pamangkin, I pretended to walk slowly towards the direction of the door for my early jogging routine but they didn't know that I have a plan in my mind to trick them.
Mas napili kong sa likuran nila dumaan habang pinipigilan ang aking pagtawa dahil sa aking binabalak, at nang mapapantay ako sa direksyon ni nanay ay mabilis kong hinablot mula sa kanyang kamay ang papel at dali-dali akong tumakbo palabas patungo sa garahe namin.
Narinig ko pa ang pagtawag nila sa akin ngunit natatawang nagdire-diretso pa rin ako palabas. Buong akala ko ay hahabulin nila akong dalawa ngunit hindi. Humihingal-hingal pa ako nang tuluyan akong nakapagtago sa loob ng garahe.
Nakatupi pa ang papel ng dalawang beses nang tuluyan ko na itong tingnan at isa pala 'yong envelope at nang ibuka ko iyon ay mabilis kong nakita at nabasa ang nakasulat sa ibabaw nito.
LETTER OF ACADEMIC CONCERN
Mabilis akong nakaramdam ng kaba nang mabasa ko iyon kaya naman dali-dali kong binuksan ang sobre at inilabas ang papel na laman nito upang basahin kung ano ang nilalaman.
Dear Mr. and Mrs. Benitez,
At this time in the school year, it becomes necessary to notify parents/guardians of the implications of their child's school performance. This letter is to inform you that your children, Harvey Benitez and Harvyn Benitez's academic performance thus far in one subject has been unsatisfactory. Continued poor performance may result in failing that subject.
Hindi ko na tinapos pa ang aking pagbabasa at pumasok na akong muli upang makausap sina nanay. Kung kanina ay tumatawa-tawa pa ako, ngayon ay halos hindi na ako makangiti. Tumatak lang sa aking isipan na maaaring bumagsak sina kambal sa isang subject at hindi iyon pwede dahil graduating at running sila for c*m Laude, at napakaimposible rin na magpabaya sila sa pag-aaral dahil kulang na lang ay pakasalan nila ang mga libro sa tindi ng pag-aaral na kanilang ginagawa araw-araw kaya I think, something is off here.
"Nay, what is the meaning of this? Last week pa po 'yong nakalagay na date dito ah. Bakit hindi niyo po sinabi sa akin ang tungkol dito?" mahinahon kong tanong kay nanay sabay upo sa sofa na nasa harapan nilang dalawa.
"Pasensya na, anak. Ayaw lang namin na madagdag pa iyan sa problema at mga isipin mo kaya pinapunta ko na rin ang Tita Gie mo dito upang siya na lang ang kumausap sa prof nina Harvey at Harvyn dahil hindi ako pwedeng umalis dahil kailangan kong bantayan at alagaan ang tatay mo dito," pagpapaliwanag sa akin ni nanay, halatang namomoroblema.
Huminga muna ako ng malalim bago muling nagsalita. Nababakas ko ngayon sa kanilang dalawa ni tita ang pagkabalisa at hindi ko alam kung bakit.
"Nay, pamilya ko po kayo at mahal na mahal ko po kayo kaya understandable po na iisipin at aalalahanin ko po talaga ang mga kapakanan ninyong lahat. Ako na lang pong bahalang kumausap sa prof nina kambal, para na rin po hindi maabala si tita sa trabaho niya." Tugon ko kayna nanay habang muli kong ibinabalik ang papel sa loob ng sobre.
"Bawal!"
"Hindi pwede!"
Sabay na protesta nina nanay at tita kaya nagtatakang tiningnan ko silang dalawa.
"Bakit po? Eh bukas pa naman po ang start ng work ko kaya huwag na po kayong mag-alala na dalawa. Basta ako na lang po bahala dito. Kakausapin ko rin po sina kambal mamaya pagkauwi nila regarding of this. Hindi ko po ito palalampasin dahil isa po itong seryosong bagay. Mag-jo-jogging na po muna ako. Kayo na po muna ang bahala dito sa bahay at babalik po kaagad ako." Paalam ko sa kanila sabay labas ng aming bahay.
Buong pag-jo-jogging ko ay sina kambal lang ang iniisip ko. Parang wala tuloy ako sa aking sarili habang tumatakbo ako. Hindi ko na rin tuloy napansin ng maayos ang mga bumabati sa akin at ang mga nakakasalubong ko.
Napakaimposible kasi talaga na may isang subject silang ibabagsak dahil masyadong patay na patay ang dalawang iyon sa pag-aaral para mangyari ang ganoon. Gusto ko na tuloy pabilisin ang oras para makausap ko na silang dalawa at malaman ang buong nangyari.
Matapos kong mag-jogging ay nagluto muna ako ng breakfast naming lahat. Binilisan ko ang aking pagkilos dahil ang nakalagay sa sulat ay dapat nasa University na nila ako by 7am.
I cooked scrambled eggs, spam, tocino, hotdog and bacon. Naisalang ko na rin ang sinaing sa rice cooker. After that ay umakyat na rin ako sa aking kwarto upang maligo at makapag-intindi na.
I've decided to wear a simple navy blue mickey mouse crop top and high-waisted jeans matching my white sneakers. Naglagay rin ako ng konting makeup at inilugay ko na lang ang hanggang balikat kong buhok.
"Nay, kayo na po muna ang bahala dito ha? Tawagan niyo po ako kaagad kapag may naging problema," habilin ko kay nanay habang inilalagay ko sa bitbit kong sling bag ang aking phone at wallet at habang naglalakad na rin ako palabas ng bahay.
"A-anak, ako na lang kaya ang pumunta? o ang tita mo? I-ikaw na lang ang maiwan dito." Mabilis na pagpigil sa akin ni nanay at mukhang lalo pa siyang nagiging balisa kaya naman napangunot na naman ako ng aking noo.
Bakit kaya ganito silang dalawa kung makapag-react? Pupuntahan ko lang naman ang professor nina kambal ah.
Kaninang-kanina pa talaga ako nagdududa sa ikinikilos nilang dalawa ni tita. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang sila sa pagtutol sa pagpunta ko sa university nina kambal. Hindi naman ito ang unang beses na makapunta ako doon dahil nagtalk na rin ako doon noong mga nakaraang seminars.
"Nay, huwag na po kayong mag-alala. Ako na po ang bahala. Babalik po ako kaagad. Mag-iingat po kayo dito, okay? Aalis na po ako. I love you, nay. Bye po, tita." Paalam ko sabay halik ko sa kanilang mga pisngi.
Pagkasakay ko ng aking kotse ay nagsimula na kaagad akong magmaneho. Thirty minutes drive lang ang layo ng university nina kambal mula dito sa subdivision namin. Inagahan ko na talaga kahit ala-sais pa lang ng umaga dahil ayaw kong ma-stuck sa traffic dahil lunes na lunes pa naman ngayon kaya paniguradong marami talagang sasakyan ang nasa kalsada.
Sa awa naman ng Diyos, hindi ako na-stuck sa traffic at 6:50 na ako nakarating. Mabilis akong naglakad patungo sa faculty room ng mga college professors at nakita kong marami na ring profs ang nasa loob kaya naman naglakas loob na akong magtanong kung sino sa kanila ang guro nina kambal. Pinakita ko rin ang dala kong letter at madali naman ako nitong itinuro sa isang lalaking nakatalikod sa dulo sa likuran na naghahalwat ng mga papeles kaya naman, naglakad na kaagad ako patungo sa direksyon ng prof na iyon matapos kong makapagpasalamat sa tumulong sa akin.
Nakatungo lang ako habang naglalakad dahil bigla akong nailang sa mga taong nandodoon dahil nararamdaman kong pinagmamasdan nila ang aking bawat galaw at hakbang ko patungo sa gurong nasa likuran.
Ang iba pa ay binati at nginitian ako na kaagad ko namang sinusuklian at pagkatapos ay babalik na naman ako sa pagkakayuko.
Saka lang ulit ako nag-angat ng tingin ng makalapit na ako sa table ng prof na hinahanap ko. Saktong pag-angat ko ng tingin sa kanya ay saktong paglingon rin niya sa akin kaya naman kaagad bumakas mula sa aking mukha ang pagkagulat.
Nakita ko rin ang mabilis na pagkagulat sa kanyang mukha at para naman akong naestatwa at nabuhusan ng malamig na tubig sa aking kinatatayuan nang makilala ko kung sino ang lalaking iyon na nasa harapan ko ngayon.
I know him. I know him so much. I know him very well because he was once my world....He was my first in everything. He was the man who left and broke me into pieces almost four years ago....my ex-fiancee, Engineer Gabriel Alexander Velasquez.